Chapter 29

1.6K 29 4
                                    

Pagkauwi ni Gene nung gabi tumawag sya hanggang sa nakatulog kami speaking to each other on the phone. Ayokong aminin sa sarili ko na masaya akong kausap at kabiruan si Gene. I woke up feeling light and happy the next day.

That morning, I started cleaning the whole unit while doing the laundry.

Hindi pa 'ko nakaliligo and I was wearing the ugliest pambahay outfit ever worn when I heard the doorbell ring.

"Ang aga," nasambit ko dahil pagtingin ko sa orasan, 11:00 am pa lang.

Hindi ko alam kung bubuksan ko na ba ang pinto o magbibihis muna ako o ano. I bit my lip and pinched my cheeks for color on my face.

Nagpapaganda ka Carmela?

Umulit ang doorbell. Nagmamadali.

"Wait!" sigaw ko not knowing what to do looking for things everywhere, quickly checking if maayos ang bahay at kung maayos ang hitsura ako.

"Sorry, I need to use the bathroom kasi," dinig kong sabi ni Gene.

"Ah okay," sabi ko. Wala na 'kong magagawa sa damit ko. I was wearing an oversized shirt over old tattered shorts.

Pinagbuksan ko sya.

"Sorry!" Mabilis syang humalik sa pisngi ko na ikinagulat ko. Nilampasan nya agad ako. "Pagamit ng CR," at dumerecho sya sa CR.

"Ow-kay," sabi ko na lang. Sumarado ang pinto ng CR. Narealize kong magulo pala ang mga labada ko sa loob ng banyo. "Um naglalaba ako ah. Pasensya sa gulo dyan." Nasa loob kasi ng CR ang washing machine kaya nandoon rin lahat ng damit ko.

"Okay lang. Sorry ah nakakahiya pero kailangan. Masama yata yung nakain ko kaninang umaga. Ako na lang maglilinis ng kababalaghan ko dito pagtapos."

Natawa 'ko. "Okay lang, nangyayari talaga yan," sagot ko.

Mabilis akong nagbihis ng maayos na tee shirt at shorts. I put on cheek tint and lip balm for reasons unknown to me. Nagsaing na rin ako pagkatapos.

Narinig kong nag-drain na ang washing machine.

"Gene?" Ano nang ginagawa nun sa loob?

"Yes?" he said back.

"Hindi naman sa minamadali kita pero di ka pa ba tapos?" tanong ko.

"You need to use the bathroom ba?" he asked back.

"Hindi naman. Ikaw ba yung nag-drain ng tubig sa washing machine?"

"Oo. Last batch ka na diba? Tas banlaw na?"

Natawa ako. Pa'no nya nalaman? "Pa'no mo nalaman?"

"Lahat kasi ng kumpol dito ng damit masabon. Tsaka wala ng tuyo," he explained.

"Baka naglalaba ka na dyan? Lumabas ka na kung tapos ka na," sabi ko.

"Umm, okay lang."

"Anong okay lang? Ako na dyan," pilit ko. May sugat pa sya tas naglalaba sya. Makulit din 'tong taong 'to.

"Um, okay lang," he said.

Kinatok ko na sya, "Gene ako na ang maglalaba."

"Yung amoy kasi," sabi nya at natawa. "Pinahuhupa ko muna."

Natawa rin ako. "Okay lang yan!"

"Hindi 'no, nakakahiya nga na dito ko pa ginawa dirty business ko," sabi nya at natawa.

"Labas na, ako na dyan," apila ko.

"Maya-maya. Nililigawan kita. Ayokong mabasted agad ako dahil sa amoy ng CR mo ngayon," sabi nya.

The Game Changer (Completed)Where stories live. Discover now