Checkmate

2.9K 116 95
                                    

Napayuko si Anica habang nasa harap siya na nakatayo at pinaparangalan ng Coach nila na si Sir Espino dahil sa kanyang pagkapanalo sa Chess Competition na hinost ng Chess Club nila. She bit her lower lip to refrain herself from crying. Napahawak siya sa medalyang nakasabit sa kanyang leeg. 

Silver...

Second place na naman siya. Nadagdagan na naman ang kahihiyanan ng magulang niya dahil sa lintek na medalyang ito. Napatingin siya sa nanalo sa kumpetisyon. Si Dylan Marco Dirham.

Pagkatapos ng awarding ay nagsimula ng magkainan ang mga members ng club. They just hosted the party and competition for fun.

Fun. Pero ni isang Segundo ay hindi niya maramdaman ang fun na iyon.Umupo lang siya sa isang sulok at nakatingin sa mga kasamahan niya. Fourth year HS student na siya at miyembro siya ng club na ito sa loob ng apat na taon.

Sa katunayan club officer din siya. Vice President nga lang dahil ang President ay si Dylan. She smiled bitterly to herself.

Nabigla siya ng tapikin siya sa balikat ng Coach nila at Adviser ng club. Alam niyang alam nito ang nararamdaman niya. Nginitian niya ito ng pilit.

"You should enjoy Anica. Wag mong damdamin masyado. We hosted that competition to build camaraderie."

"Okay lang ako Coach."

Tumango tango ito. "Kumain ka na din." Sabi nito saka iniwanan siya.

Habang nagkakagulo ang mga kasama niya sa club ay umalis agad siya sa loob ng room nila at nagpunta sa school garden. Simula noong grade school siya ay naglalaro na siya ng Chess. She was supposedly to be the best. Ilang mas nakakatanda sa kanya ang natalo niya. But she always ended up being second because of one wrong move.

Kaya sinabi niya sa sarili niya na pagtungtong niya ng highschool ay sasali agad siya sa Varsity at Chess Club. She will be the best. But still, someone always beat her up.

Si Dylan ang laging nakakatalo sa kanya.

Kung hindi niya lang ginalaw yung pawn na yon at kinain ang knight ni Dylan hindi sana siya matatalo. Napahagulgol siya.

Tanda pa niya ang pagkasabi nito ng katagang...

"Checkmate..." 

Halos madurog ang puso niya.nang binanggit nito ang salitang iyon. Pasalampak na umupo siya sa isa sa mga benches. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Nang wala siyang makitang tao ay umiyak siya.

"Nakakainis. Lagi na lang. Sa lahat ng bagay second best pa din." Sabi niya sa sarili.Tinanggal niya ang medalya na suot niya at inilagay sa bulsa niya. Nabigla siya ng may makitang gold medal sa tapat niya.

Tumingala siya at nakita si Dylan na inaabot sa kanya ang medalya nito.

"Sayo na tumigil ka lang sa pag-iyak." Seryosong sabi nito.

Pinahid niya naman agad ang mga luha niya at tinignan ito ng masama. "Iniinsulto mo ba ako?"

He scoffed. "Binibigay ko na nga sa iyo, nagagalit ka pa."

"Wag mong ipamukha sa akin na natalo mo ko."

"Why do you want to win that much?" tanong nito habang mataman na nakatingin sa kanya.

Napaisip siya dahil sa tanong nito. Bakit nga ba gustong gusto niyang manalo? Napalunok siya nang wala siyang maisagot. Tumabi si Dylan sa kanya.

"You losing don't mean you are not good at playing chess." Sabi nito at isinuot sa kanya ang medalya nito. "Kung mapapasaya ka ng medalya na iyan, sa iyo na."

CheckmateWhere stories live. Discover now