Extra Story: Price Tag

1K 31 8
                                    

“OH DYLAN MARCO KAILAN MO MAPAPANSIN ANG AKING KAGANDAHAN?”

Maaga na namang bumangon si Waffles. Kung iba siguro ay may 5-minute ritual sa pagtulog, siya naman ay may 5-minute ritual para sa kanyang irog.

Napabungisngis siya habang pinagmamasdan ang magandang mukha nito. Hinaplos niya ang malaking poster nito na halos sinakop ang kalahati ng pader ng kwarto niya. Oo na, hindi na kalakihan ang kwarto niya.

Itinukod niya ang pareha niyang kamay sa pader at dahan dahan inilapit ang kanyang mukha. Nakanguso siya at nakapikit. Ngunit ang inaasahan niyang pagdampi ng labi sa litrato nito ay hindi natuloy dahil sa kapatid niya na binatukan siya kaya ang ending ay ang noo niya ang tumama sa pader.

Inis na hinimas niya ang nasaktang noo at napatingin sa kapatid niya na kinulang ata sa pansin. At dahil nangistorbo ito sa session nila ni Dyma ay gagantihan niya ito. Alam na alam niya ang kinaayawan ng kapatid niya na si Ate Roni.

“Ikaw talaga Waffles.”

Mas nakakatanda ng siyam na taon si Ate Roni at ito ang nagpapaaral sa kanya. Dalawang bagay ang alam niyang kinaiinisan nito. Ang ipamukha dito na matanda ito at ang buong pangalan nito.

 “Bakit ba Ate Pepperoni? Istorbo ka sa moment namin ni Dylan eh!” nangaasar na sabi niya. Binigyan niya ng diin ang mga salitang ‘Ate’ at ang buong pangalan ng kapatid na siyang matinding kinaaayawan nito.

Pinandilatan siya nito at bago pa siya nito matamaan ng mabigat nitong kamay ay nakaiwas siya.

“Puro ka na naman Dylan. Dylan. Ang landi landi mo talaga!” Pinamaywangan siya nito. “Bilisan mo na nga at malelate ka na sa trabaho, kabago bago mo pa lang. Wala kang pag-asa diyan mayaman yan eh”

“Grabe ate, malandi agad? Palibhasa gusto mo sumali sa mga old maids kaya hindi mo ko naiintindihan. Tsaka malelate agad? Eh hindi pa nga nagpapakita ang haring araw”

 “Aba’t!”

Tumakbo na siya patungo sa banyo nila na tatawa tawa. Hindi man niya nahalikan si Dyma, may oras pa naman siya mamaya.

Pakanta kanta pa siya habang nagtatanggal ng pangtulog niya. Pasayaw sayaw din siya saka bumirit ng malakas.

Ngunit pag-abot niya sa tabo at pagbuhos ng tubig ay napahiyaw siya sa sobrang lamig. Narinig niya ang malakas na pagtawa ng ate niya.

Nang matapos magbihis si Waffles ay pinagmasdan niya ang poster ni Dyma. She looked at him dreamily and heaved out a dreamy sigh. Alam niya naman na wala talagang pag-asa ang love team nilang dalawa.

Eh sino ba naman siya para mahalin ng isang anak ng bilyonaryo? Kumbaga Langit to at Tao siya. Hala naman lupa di ba? Sobra sobrang pandedegrade na iyon sa tao.

Natawa siya ng mahina. Habang pinagmamasdan niya ito ay lalong gumaganda ang umaga niya. Sa katunayan ang poster na iyon ay hiningi niya pa sa bestfriend niya. Libre iyon sa isang mamahaling magazine na hindi niya alam ang pangalan. Haha!

At dahil din naman hindi mahilig ang kaibigan niya sa mga lalaki. Certified Man-Hater kasi katulad ng ate niya kaya napapayag niya itong ibigay na lang sa kanya.

“O honeybunch, paano ba iyan kailangan ko na kumita ng pera. Mamaya na lang tayo mag-date ha?” Pagkausap niya dito. Lumapit na siya at hinalikan ang mukha nito saka lumabas ng kwarto para mag-agahan.

Summer kasi ngayon kaya may part-time job siya. Disisais anyos pa lamang siya, si Dyma naman ay nineteen na.

O connect? Wala lang para may masabi lang.

Pagkaupo niya sa tapat ng ate niya ay umabot agad siya ng isang pirasong pandesal. Nahirapan pa siyang kagatin at nguyain dahil sa tigas non.

“Kailan pa ba to Ate?” sabi niya habang pilit na ngumunguya. Inabot niya ang bagong timplang kape. Buti na lang medyo masarap ang 3-in-1 Kopiko.

CheckmateWhere stories live. Discover now