Chapter 15..,

14.1K 325 5
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
...rated spg....

"Aleah, I miss you so bad!" pabulong na wika ni Miguel ng magkahiwalay ang kanilang mga labi.

"Mi-Miguel!" luhaan ang mga matang sambit ni Aleah.


"Aleah, do you miss me too like the way how i missed you? Hinahanap hanap mo rin ba ang mga yakap ko, ang mga halik ko at ang bawat haplos ko saiyo noon?" buong pananabik na tanong ni Miguel habang titig na titig sa mga luhaang mga mata ni Aleah na noon ay pinahid niya ng kanyang daliri.


"O-oo Miguel, bawat sandali ay ikaw ang laman ng aking isipan pero wala namang patutunguhan ang lahat ng mga iyon dahil ikakasal kana" bikig ang lalamunang sagot ni Aleah saka muling tumulo ang butil ng masaganang luha nito.


"Hinding  hindi na ako pakakasal pa kay Erica, hindi na Aleah dahil nagbago na ang lahat mula ng masilayan kita. Ginulo mo ang isipan ko at ang puso ko mula ng gabing iyon, ang gabing walang kasing init na siyang bumuhay ng buo kong pagkatao, ang nagpabago ng lahat at ngayon ay siya ang susundin ko dahil hindi rin ako papayag na maging isang bastarda o bastardo ang baby natin na nasa sinapupunan mo. Aleah magkaka baby na tayo and I'm so glad about it, masaya ako na pagkatapos ng ilang buwan ay makikita ko na ang baby natin at may tatawag na sa akin ng daddy" maluha luhang pahayag ni Miguel saka hinaplos haplos ang tiyan ni Aleah.


"Bu-buntis ako?!" hindi makapaniwalang sabi ni Aleah ngunit ng ilang sandali ay naisip niya ang mga pagbabago sa kanyang sarili ng mga nakaraang araw ay doon niya napagtagpi tagpi na palatandaan na pala ng kanyang pagbubuntis ang kanyang mga nararamdaman......"Salamat po Lord ay dininig Mo ang aking panalangin na magkaroon ng isang alaala ang gabing minsan na hinding hindi ko malilimutan. Dahil ang nais ko lang ay magkaroon ako ng isang alaala na makakasama ko habang buhay sa lalaking nagpadama na ako ay isang tunay na babae" saad ni Aleah na hindi mapigilan ang pagbuhos ng mga luha nito.

"Aleah, magkasama tayong palakihin ang ating magiging anak at hindi ako papayag na mawalay kapa sa piling ko dahil sa maniwala at hindi ay mahal na mahal kita Aleah. Noong una, akala ko ay nakukonsensiya lang ako mula ng mabasa ko ang sulat mo ngunit habang dumadaan ang mga araw ay parang pakiramdam ko sa sarili ko ay nangungulila ako saiyo ng husto hanggang  maging sa panaginip ko ay laging naroroon ka, kahit nasa harap ako ng napakaraming trabaho ay ikaw parin ang nasa aking diwa, ang maganda mong mukha, ang iyong mga mata, ang parang inililok mong katawan sa ganda nito at higit sa lahat ay miss na miss ko na ang namagitan sa atin noon at gusto ko sanang maulit muli at hindi lang ngayon kundi hanggang magkasama tayo, at kahit ilang beses kong sabihin saiyo na mahal na mahal kita Aleah ay hindi ako magsasawang bigkasin iyon dahil ang mga salitang iyon ang siyang isinisigaw ng aking puso" sinserong pahayag ni Miguel kay Aleah.


"Pero hindi mo pa ako kilala ng lubusan Miguel. Alam kong mahal din kita pero hindi ako ang babaeng nababagay sa isang katulad mo. Isa akong babaeng mababa ang uri, isang babaeng pinandidirihan ng lahat dahil sa uri ng aking trabaho" humihikbing turan ni Aleah.


"Hindi kita hinuhusgahan Aleah dahil alam ko sa sarili ko na ako lang ang lalaking pinag alayan mo ng iyong sarili pero nais ko lang itanong kung bakit iyon ang pinili mong trabaho upang kumita ng pera?" malumanay na tanong ni Miguel na noon ay napahagulgol na ng tuluyan si Aleah.

"Sa isang katulad ko na hindi nakapag aral at hanggang sa elementarya lang ang natapos ay walang pag asang makahanap ng matinong trabaho. Lumuwas ako ng Maynila upang makahanap ng mapagkakakitaan ng pera na kahit na anong trabaho basta marangal at maipagmamalaki ko sa mga kapatid ko dahil ako nalang ang siyang inaasahan nila at makakapitan para makapagpatuloy sila ng pag aaral na kahit makatapos lang sana ng highschool. Pero wala akong swerte, dahil kahit na katulong lang sana ang trabahong mahanap ko ay hindi ako tinanggap ng mga taong matatayog, mga taong kaytaas ng tingin sa mga sarili na porke't nagkabahay na sila ng bato at nakadamit ng punong puno ng makikintab na mga alahas ay sasabihin pa nila sa akin na hindi ako karapat dapat na maging katulong sa kanilang pamamahay dahil wala daw akong sapat na edukasyon. Halos isang buwan akong naghanap ng mapapasukan, hindi ko ininda ang init ng araw sa araw araw na paglalakad upang makahanap ng trabaho, hindi ko ininda ang bawat maanghang na salita na nakakasakit ng aking damdamin, ang sakit ng aking mga paa sa kalalakad. Ngunit ang lahat ng iyon na aking isinakripisyo ay ang tanging magiging kapalit lang pala ay isang panlalait ng aking kapwa sa isang katulad kong mangmang. Kaya wala akong nagawa kundi suungin ang isang hanap buhay na sa buong buhay ko ay hindi ko man lang pinangarap, ngunit dahil sa pagnanais kong makapagpatuloy ng pag aaral ang aking mga kapatid at matustusan ang kanilang pag aaral ay pikit mata kong tinanggap sa aking isipan na ito talaga ang mundo ko, na iyon ang lugar para sa akin, sa isang katulad kong walang pinag aralan. Pero kahit na sa putikang lugar na iyon ako kumikita ng pera ay pinahalahagan ko parin ang isang bagay na tanging meron ako ngunit isinuko ko rin ng ako'y talagang nagipit dahil sa pagkaka aksidente ng bunso kong kapatid at ayaw ko namang tingnan nalang siya basta na siya'y maging isang inutil habang buhay kaya ng malaman ko ang paghahanap ng mga kaibigan mo ng babae na kanilang ireregalo saiyo ay hindi na ako nagdalawang isip pa na ipresinta ang aking sarili kay mommy Dess upang maoperahan lang si Gina at hindi rin ako nagsisisi sa nangyaring iyon sa buhay ng ipagkaloob ko saiyo ang aking sarili kahit na pag aari kana ng iba dahil  ipinadama mo sa akin na isa akong normal na babae na pwedeng umibig at ibigin" humihikbing salaysay ni Aleah.


Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoOnde histórias criam vida. Descubra agora