Chapter 17

12.5K 285 5
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
Rated Spg

Lumipas ang ilan pang mga araw at siniguro muna ni Miguel na okay ang kalagayan ni Aleah lalo na ang mga pangangailangan nito bago siya bumalik ng kanyang trabaho sa opisina at kahit na panay na ang tawag sa kanya ng kanyang mama ay binabaliwala lang niya ito ng huli ay nakulitan na siya kaya minabuti nalang niyang patayin muna ang kanyang cellphone upang tantanan na siya ni Benita.

"Mahal papasok na ako sa trabaho at kung sakaling may kailangan ka o may kung anumang mangyari sayo rito ay tawagan mo lang ako ha" naglalambing na wika ni Miguel kay Aleah habang nakayakap ito sa dalaga.

"Salamat mahal ko at wag na wag kang mag alala dahil kaya ko naman ang sarili ko" nakangiting sagot ni Aleah saka nangunyapit ito sa leeg ni Miguel at kusang hinagkan ang labi nito.........." Mahal na mahal kita Miguel" pabulong na wika ni Aleah saka nito dinampian muli ng halik ang labi ni Miguel.

"I love you more Aleah! And I will do everything para hindi na tayo muli pang magkakahiwalay basta maghintay ka lang mahal ko para pag naayos ko na ang lahat ng gulong ito ay saka tayo magpapakasal para maging ganap na buo tayong pamilya kasama ng ating baby" sagot ni Miguel sabay himas sa tiyan ni Aleah na impis pa lamang.

"Maghihintay ako mahal ko, gaya ng sabi ko sayo ay hihintayin kita at kung dumating man ang araw na iyon ay ako na ang pinakamasayang babae sa mundo dahil hindi na ako mag aalinlangan o matatakot na baka mawala ang lalaking pinakamamahal ko" madamdaming sabi ni Aleah.

"Hinding hindi ako mawawala saiyo mahal ko dahil kamatayan lang ang magpapahiwalay sa atin. Hindi ko kayang mawalay sayo, sa inyo ng ating magiging anak. At pinananabikan ko na ang kanyang paglabas, nais ko na siyang makita kung sino ba sa ating dalawa ang kanyang kamukha o kanino siya nagmana? At sana ay lalaki ang ating magiging baby para may Junior na agad ako, pero kahit na babae ay mahal na mahal ko parin ang baby natin dahil alam kong kasing ganda siya ng kanyang mommy" nakangiting turan ni Miguel.

"Sige na mahal ko, pumasok kana sa trabaho mo baka mamaya niya'n ay magbago pa ang isip ko at hindi na kita papasukin" natatawang biro ni Aleah saka inayos nito ang t shirt ni Miguel na nawala sa ayos dahil sa pangungunyapit nito sa kanyang leeg ng yakapin nito ito.

"Okay bye mahal ko! Wag na wag kang magpapagod, magpahinga ka lang diyan baka kasi mahilo ka" muling wika ni Miguel saka banayad niyang inangkin ang labi ni Aleah na halos tumagal ng limang minutong pagsasanib ng kanilang mga labi saka dumiretso ito sa kanyang kotse at inihatid naman ni Aleah ng tanaw ang lalaking pinakamamahal.

"Sana nga ay maayos mo na ang gulong sinasabi mo Miguel dahil gustong gusto ko ng ipagsigawan sa buong mundo at ipaalam sa sinuman na ikaw ang aking lalaking pinakamamahal at magiging ama ang aking anak at ang aking ASAWA" nakangiting wika ni Aleah sa sarili na hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha sa kaligayahang nadarama niya ngayong nasa piling na niya si Miguel.

.......

Mag aalas otso pasado na ng makarating si Miguel sa kanyang opisina at ng pagkaupo palang niya sa kanyang mesa ay ang mga trabaho na niyang nakatambak ang agad niyang inasikaso.

Maya maya ay may katok siyang narinig sa may pinto ng kanyang opisina....."Come in!" pasigaw na sagot ni Miguel sa kung sinong kumakatok at ng ilang segundo lang ay bumukas ang pinto at ang secretarya niyang si Leanne ang pumasok na may dala dalang mga papeles.

"Sir sorry po but we all need this documents as soon as posible po. Kaya please po sir paki sign nalang po para matapos na ang lahat ng ito" nakangiwing sabi ni Leanne sa kanyang amo.

"Ah, okay!" tanging sagot ni Miguel saka sinimulan na niyang permahan ang mga documento.

"Ay sir sorry po pala but you have so many appointments na naka standby at may mga ilang callers din na naghahanap sa inyo, and si Miss Erica po at ang mama ninyo ay kung ilang araw silang nagpapabalik balik dito at panay nga ang tanong nila sa akin kung nasaan kayo but wala naman po akong maisagot dahil hindi ko naman po alam kung saan kayo naroroon" pahayag ni Leanne kay Miguel.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoWhere stories live. Discover now