Chapter 15: Complication

52 10 0
                                    

Chapter 15 - Complication



Humarap ako sa kaniya at ngumiti. "I got it."


Lumaki ang mga mata ni Segeir lalo na sa nabuksan kong program - or rather a folder.


"Teka, saan mo iyan nakita? I mean, yung folder?" tanong niya sa akin habang lumalapit sa tabi ko.

I shrugged. "Naghalungkat lang ako kanina sa D: drive niya. Nga pala, ano nakuha mong balita?"

Umiling-iling lang si Segeir. "This is not an ordinary case than we anticipated."

"Bakit?" kunot-noo kong tanong.

Umiling lang ang kasama. Aniya, mas mabuti 'DAW' na wag namin galawin ang kaso.

Este, huwag daw ako makielam. Para daw sa kaligtasan ng karamihan.

Masyado akong na-shock sa pinagsasabi ni Segeir.



============================


Lahat ng narecover namin na evidences ay ti-nurn over namin sa cybercrime department.

Ang nakakapagtaka ay kasama sa imbestigasyon ang NBI, which I find it more suspicious.

Ngayon, pinagpatuloy ng mga pulis ang pag-iimbestiga sa kaso.

Pero, hindi talaga ako mapalagay. Something's off. Something is wierd.

Lalo na sasinabi ni Segeir. Iyung note na sinasabi niya.

Hindi kaya hindi lang ako ang pinapadalhan ni WD. Warning na ba ito na masyado na akong nakikielam?

Pero masyado na akong nainvolve sa kung anuman. Hindi kaya ay may lihim na dapat hindi ko malaman?

Pumasok sa isip ko ang mga litrato tungkol sa massacre.

I shrugged THAT idea. Masyado akong nagiisip nang kung ano-ano.

Siguro kailangan kong i-unwine ang sarili.

Ilang minuto pa lang ako nakapikit ay may humila na sa earphone na suot ko.

"Hoy babae! Kanina pa kaya ako dito dada nang dada naka-earphone ka pala," ani ng isang nilalang na masarap ipalapa sa mga Titans.

Inismiran ko lang patuloy na natulog sa armrest ng upuan ko. Sinuot ko lang pabalik ang precious earphones ko.

Give me a break please!

Hinila ng ITO (niya na na ginawa kong bagay kasi na-iirita ako) ang earphones ko at hinila pa ako ng ITO papunta sa kung saan.

"Hindi ka talaga nakikinig no? Hoy!!! Pansinin mo naman ako!" aniya.

Notice me, senpai. Kadiring nilalang.

"For nth time, hindi 'HOY' ang pangalan ko. Aba, may karapatan akong mag-sampa ng kaso laban sayo dahil nilabag mo ang karapatan ko sa tamang pangalan. Rights ko yon! RIGHTS!!" bulyaw ko sa ITO.

"Eh sa hindi mo ako pinapakinggan eh! Kanina pa ako explain nang explain tungkol doon tapos ikaw pala ay natutulog lang!"

"Eh kita mo naman na busy ako sa pagtulog tapos ginambala mo pa ako. Tsaka, pake ko kung ngawa ka nang ngawa diyan sa tabi ko. Tapos bigla mo namang hinigit yung precious earphones ko! Alam mo ba mas mahal yun kaysa sa buhay mo. Tsaka, chorus na sa favorite song ko, hindi pa natapos. Epal, epal!" ani ko sa nilalang sa unahan.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon