Chapter 10: White Silence

87 13 0
                                    

Chapter 10 – White Silence

   

Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Sa… hawak ko ngayon.

Bakit niya ibinibigay ito sa akin? Paano ito nakarating kay Clyde?

Unti-unti kong naramdaman na nag-uunahan ang mga luha ko na dumaloy sa aking mukha. Natatandaan ko ang araw na binigay ito ni Lucy sa akin. At nawala ko ito last year sa field trip namin sa Subic.

Kaya, how come? How come na nakuha niya ang keychain na ito? Paanong mangyayari iyun?

The keychain has a black butterfly design with tint of dark violet and red. Binigay sa akin ni Lucy ito noong unang araw ng klase noong Middle school. I still can’t believe it. I just can’t stand this.

Out of rage, kinuha ko ang notebook ko at Polaroid camera na second hand which is binigay ni Tita sa akin nito lang. Kumuha ako ng litrato ng mga binigay niya sa akin at agad dinikit sa notebook.

May sinulat rin ako sa ilalim nito.

‘A gift from devil. Be warned.’

Humilata ako sa higaan at napabuntong-hininga.

Pumikit ako nang mariin at pinakalma ang sarili. Maya-maya, may kumatok sa pinto. Si Mama.

“Nak, gising ka pa ba?”

“Opo, Ma. Bakit po? Mayroon ba kayong gustong pabili?” tanong ko pabalik.

Napabaligwas ako dahil sa sinabi ni Mama. “Hindi. Nasa baba yung kaibigan mo. Kakilala mo pala ang anak nung may-ari ng firearm training center diyan.”

Hindi… maari ito.

Ang sarap niyang katayin sa inis.

Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon