I say...WHAT????

47.1K 639 63
                                    

*Note: wag niyo nalang po pansinin ang mga weirdo kong title at katulad ng author ay weirdo din ang storya kaya babala sa mga reader baka mahawa po kayo sa kapraningan at kagandahan (ehem) ng author haha! peace! Pagbigyan niyo na, alam niyo naman, baliw lang ahahaha.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakasalampak ako sa sofa namin habang si Rigid abnormal ay ngingiti ngiti, sa totoo lang ang sarap batuhin ng tsinelas yung pagmumukha ng kapatid ko, mukha kasing nangagago eh, kanina pa niya ako inaasar sa nakita niyang pangyayari sa harap ng eskuwela, kung bakit naman kasi ngayon pa inel-bm si Mang Pilo (yung driver ko, oo generic yung name niya) tuloy ngayon inaalasaka ako ng baliw kong kapatod.

"Uyyyy si Lena nagdadalaga na, hmm mukhang kailangan kong higpitan ang pagbabantay sa iyo ah?" sabi ng baliw kong kuya habang nanginginain ng pop corn at hinaharangan niya yung screen sa tv. Tinadyakan ko siya palayo

"Heh! wag ka ngang humarang diyan! ang laki laki ng puwet mo hindi ko makita yung TV" busangot ko sa kanya

"OA ka naman, ano na naman ba yang pinapanood mo ha?" biglang sabi nito at nakiusyoso din nakikain pa ulit nun pop-corn kong niluto ni Inday (oo pati pangalan ng maid namin generic) bawal daw sa doktrina ng bahay na ito ang hindi generic ang pangalan, ay ano ba yan ang corny. Nasa tabi ko lang yung kuya kong praning (parang yung author lang na wala pa ring humpay sa page-emo) habang nanonood ako ng My Girlfriend is a Gumiho.

"Ayan? Ayan ba ang pinapanood mo? sus! eh mas pogi pa yung kuko ng paa ko jan eh!" mayabang na sabi ng kuya kong feelingero. 

"Nako senyorito, eh sabe nga ng mga katulong dito eh kamokha mo daw ayang si Doktor Park Dong Joo" sabi ng isang katulong naming nagpupunas ng figure sa sala, na if I know ay nakikinood lang pero ok lang yun, mabait naman ako eh. Pero nasamid ako bigla sa sinabi niya. Naramdaman kong pumasok yung pop corn sa trachea ko, shet! >_<!! tubig please!

"Nako senyorita! ano po ang nangyari sa inyo! teka po eto po ang juice!" abot sa akin ng isang baso ng orange juice, agad agad ko itong nilagok, tengene ang sakit eh, jok lang hindi pala sa trachea ko dumaan hehehe bumara lang sa lalamunan ko.

"Ayan, ang baboy kasi kumain eh" sita pa sa akin ng kapatid ko.

"Hoy! excuse me ha? nagulat lang ako at sinabi nilang kamukha mo si No Min Woo! ang layo ha? parang pinagcompare mo ang isang demigod sa isang hamak na ipis lang!" bulyaw ko

"So kelangan naninigaw? Oo ako yung demigod siya yung ipis. Min Woo Min Woo ang pangit ng pangalan hahaha! bagay!" sabi nito at tumatawang tumayo at iniwan ako dun, binato ko ng throw pillow and papalayong si Rigid buti naman lumayas na siya, inirapan ko lang siya, ang kapal talaga...ano kayang nakita ni Ran dun? duh? =_="

Naramdaman ko nalang na binalik pala niya sa akin yunng throw pillow na binato ko sa kanya

"Wahahaha!!! Tanga!" sigaw na pa nito, bwisit talaga kahit kelan oh praning! Well at least Lena hindi lang ikaw ang praning sa bahay na ito. Pagkatapos nung My Girlfriend is a Gumiho, ngingiti ngiti akong pumasok sa kwarto ko, mag-aaral muna ako, oo mag-aaral ako at baka lalong bumaba yung ranking ko eh magalit pa sila mama sa akin.

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now