All is fair in Love and War

25.6K 346 29
                                    

*Note: Wee! eto na po! ang pagtatapat ng dalawang hot guys sa story natin! paano kaya ito? wala pa akong naiiisip hanggang title palang ako bahahahaha! 

Sana po yung mga silent readers mag vote po tsaka comment na din. YOUR VOTES ARE PRECIOUS TO ME BUT YOUR COMMENTS ARE EVEN MORE! pero hindi naman sapilitan po, kung nagustuhan niyo lang. :) mabaet ako eh! chos! haha

__________________________________________________

Lena's POV

Putingnurse! sino ba kasi ang henyo na nagsabe na liligawan ko si Aston, Bwiset! kahit pa sabihin mong wala siyang maalala, minsan ang malanding lalaking yun sumosobra! Hi readers! namiss niyo ba ako? epal kasi sina Rain at Reino eh noh! haha pero keri lang yun din naman ako madamot eh! wala naman silang kasalanan kung sadyang butas lang po ang ulo ng ating writer na kunyari eh seryoso pero baliw naman! anyways ayun...ano nga ba sinasabi ko kanina? ah! yung epal na Aston na yun! putakte siya! lasunin ko siya eh! makapag demand wagas! epal noh? tss...matanong niyo kung ano ginagawa ko? eto sige bigyan ko kayo ng flashback! magaassume ako na namiss niyo ako kase kinuha ni Reino at Rain ang space namin (makapanisi? wagas din?) haha

Oh eh di ba ang ending natin sa scene namin eh yung sweet na sweet na sana! (yakkk) kaso habang nasa balikat niya yung ulo ko! may panirang letse na nagtext! =_= at ang magaling na lalaki naman binasa agad!

"Uyyyy may nagtext! siguro chicks ito!" sabi pa ng kumag! pahingi po ng kutsilyo o di naman kaya eh chainsaw! panlagari ko lang sa tampalasang malandi na ito! sino po sa inyo ang ayaw sa malanding nilalang? pakitaas po ng kamay! tinignan ko siya agad ng masama

"Eto namang suitor na ito, makatingin akala mo papatayin ako, jok lang oh! yung basketball team! nagtext, kung okay na daw ako may practice game bukas, at mukhang feel na feel na ng vice captain ko yung duty ko" sabi nito,   iniikot ko yung mata ko sa kanya

"Hindi ka pa nga magaling basketball nanaman ang aatupagin mo?" sabi ko, pero teka, bakit ang pakialamera ko yata? eh bakit ba? walang basagan ng trip! 

"uyyy...worried siya sa akin, haha! well sabi na nga patay na patay ka sa akin, wag kang mag-alala kung yung mga girls naman ang inaalala mo, pumunta ka din doon at pagsasaksakin mo silang lahat para hindi sila makalapit sa akin" sabi pa nito at talagang kumindat pa! sinukmuraan ko tuloy siya

"Aray naman! itong suitor na ito! babastedin kita niyan! makapanakit ka naman!" sabi nito na sapo ang sikmura niya, ang nakakasar lang alam ko naman hindi siya nasaktan kasi naman ang tigas din ng nasuntok ko, oo na! halos yung kamay ko pa ata ang sumakit! opo! mga kapatid wag na kayong magtanong at ang mga simpleng manyak na katulad ko ay malamang nakangiti na ngayon! oo abs yun! powtek! haha simpleng chancing ba? eeek! kelan pa ako naging manyak?? TT^TT nahawa na ata ako kay Ran! wag niyo na ako tanungin kung manyak ba si Ran, basahin niyo nalang yung story niya! kung yung buhay ko ngang walang kakwenta kwenta napagtyagaan niyo eh! yung sa kanya pa kaya? haha! makapag promote? wagas? itong author niyo ha? =_=

"Eh di sige bastedin mo!" kako ng nakita ko yung babaeng boobs kanina, kainis halatang may gusto kay Aston! kuu! 

"Eto naman ang bilis sumuko oh! sabi mo ikaw mageeffort tapos ganyan ka" sabi nito na nakasimangot, ano ba kasing kaartehan meron itong lalaking ito ha?!

"Eh paano ikaw! tss ewan ko sayo!" hinila niya ako bigla sa damuhan

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now