18

758 36 2
                                    

Chloe's POV

Nakaka-stress naman. Bakit kamo? Unang-una dahil kina Ken at Stephanie. Tapos ngayon naman pati sina Sander at Lucy may away narin?

Akala ko talaga magsisimula na kaming magkasundo lahat eh. Akala ko lang pala yun.

"Ice cream oh." Tinanggap ko naman yung ice cream na inabot ni Tristan sakin, kami nalang ata ang magkasundo eh.

"Salamat. Kailangan ko talaga nito." Sabi ko, ngumiti naman siya at umupo sa tabi ko.

"Alam ko namang naloloka ka na sa mga kaibigan natin eh. Ako din naman." Naiiling na sabi niya, sabay naman kaming  napabuntonf hininga.

"Basta. Hindi tayo mag-aaway ha." Sabi ko sa kanya, tumango naman siya saka ako inakbayan.

"Syempre naman. Tayo nalang ang may forever ngayon, Chloe." Napatawa naman ako sa sinabi niya kaya pinahiran ko siya ng Ice cream sa ilong at tumakbo.

"CHLOEEEE!" Narinig kong sigaw niya kaya lalo ko pang binilisan ang takbo.

Para tuloy kaming bata na naghahabulan dito sa Garden ng school. Hahahaha!

Rain's POV

Alam niyo yung salitang coincidence? Akalain mo nga naman na dito rin nag-aaral si Cloud. Yung nakilala ko sa isang Event? Kung hindi niyo maalala, nasa chapter 6 siya.

So yun nga, dito rin pala siya nag-aaral pero sa ibang section siya.

"Rain!" Speaking of Cloud, kumaway naman ako sa kanya at ngumiti.

Nandito kasi ako sa canteen, wala yung teacher namin kaya dito ako tumatambay. Umupo naman si Cloud sa tabi ko.

"Hi Chloe! Mag-isa ka ata ngayon?" Bati niya at agad na kumuha ng isang maliit na siopao. Aba. -3-

"Ayaw nila akong samahan eh. Oy, bumili ka nga ng sayo." Suway ko sa kanya, tumawa naman siya at umalis para maka-order.

"KYAAAAH! SI HAROLD!"
"I LOVE YOU HAROLD!"
"PAKASAL NA TAYO HAROLD! KYAAAH!"
"HAROLD! BUNTIS AKO AT IKAW ANG AMA!"

Napangiwi naman ako sa mga narinig kong tilian ng mga babae at binabae dito sa canteen.

Napatingin naman sa direksyon ko si Harold at ngumisi, ako naman ay inirapan siya.

"Maraming siopao para sa mahal na prinsesa!" Napatingin naman ako kay Cloud na may buhat na tray na puno ng siopao. *O*

"Para sakin ba yan?" Manghang tanong, nakangiti naman siyang tumango kaya niyakap ko siya (magkatabi lang kasi kami).

"Omg! Thankyou! Thankyou!" Natutuwang sabi ko sa kanya, narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Ehem! Ehem!" Napahiwalay naman ako sa yakap at kunot noong tiningnan si Harold. Problema ne'to?

"Oh pre. May TB ka na ba?" Tanong ni Cloud kay Harold kaya nakatanggap siya ng sama ng tingin.

"Huwag mo akong ma-'pre' diyan, di tayo close. Tara na nga Rain." Napatayo naman ako ng higitin niya ako.

"Wait. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang pinipigilan ko ang pagkasunod sa hila niya.

"Pinapatawag ka nina Mom." Seryosong sabi niya kaya napakamot ako sa noo at bumaling kay Cloud.

"Ah eh, ano kasi---"

"Ayos lang Rain, lumakad na kayo ni Harold. Eto oh." Sabi niya at inabot sakin ang naka-supot na mg siopao.

"Thankyou! Bye!" Humalik muna ako sa pisngi niya bago nagpahila kay Harold. Grabe manghila, feeling ko matatanggal na yung braso ko. T^T

"O-oy Harold naman!" Suway ko sa kanya pero tuloy parin siya sa paghigit sakin at nakakaramdam na taga ako ng sakit sa forearm ko.

"H-harold."  Nauutal na tawag ko sa kanya, bigla naman siyang huminto at napabitaw sa kamay ko.

Agad ko namang tiningnan ang forearm ko, tama nga ako, namamasa na siya. Mabilis kasi ako magkaroon ng pasa. T^T

"R-rain, sorry." Nagpunas nalang ako ng luha at nilagpasan siya. Nakakainis na siya!

"Rain!" Sigaw niya pero tuloy-tuloy parin ako ng lakad papuntang parking lot.

"Omygash!" Sigaw sa sobrang kaba. Sino banamang hindi kakabahan kung muntikan ka ng mabangga?!

"Rain! Ayos ka lang ba!? Nadali ka ba!? Sumagot ka Rain!" Nakatulala lang ako habang niyuyugyog ako ni Harold, gulat parin ako sa nangyari.

Pero mas lalo akong nagulat ng yakapin ako ng mahigpit ni Harold.

"Ssshhhh. Sorry Rain. Sorry. Tahan ka na, please." Doon ko nalang naramdaman na naiyak na pala ako kaya napayakap nalang rin ako sa kanya.

Humiwalay narin ako agad sa yakap, pinunasan naman niya ang mga luha ko.

"Smile ka na ha. Bibili nalang tayo ulit ng siopao tapos kung ano pang gusto mo." Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

Napansin ko naman na nagkalat na yung mga siopao na bigay ni Cloud. Sorry Cloud.

Sumakay na kami ng kotse ni Harold, pwede naman daw kaming lumabas sabi nung mga guard.

"Nga pala Rain, sorry sa nangyari kanina." Pambasag niya sa katahimikan, automatic naman na nanlaki ang mata ko.

"Nagso-sorry ka na pala talaga! Wow!" Manghang sabi ko, napatawa naman siya at napailing.

"Ewan ko sayo, pero sorry talaga." Ngumiti nalang ako at ngumiti.

Kung sana ganito lagi ang ugali ni Harold, yung hindi nang-aasar. Nako, baka nagkasundo na kami. -3-

Love Me Right [Love Hate? Book 2]Where stories live. Discover now