49

474 18 0
                                    

Yannie's POV

Nandito kami ni Ken-ken sa library, pinatawag daw kasi kami ng mga magulang namin. Ano kayang sasabihin nila? Tapos etong si Ken-ken naman kanina pa pinagtitripan yung kamay ko. Baliw talaga.

"Ano kayang sasabihin nila?" Tanong nito habang pinapaikot yung daliri niya sa palad ko. 

"Hey guys!" Napabitaw naman si Ken-ken ng pumasok si Tita Ariza, tumawa naman ito ng makita ang reaksyon namin. Gosh, siguradong namumula ako.

"Oh? Bakit parehas kayong namumula? Na-istorbo ko ba kayo?" Nang-aasar na sabi ni Tita, sabay naman kaming umiling. Pumasok naman sina Tito Dyo kasama sina Mom and Dad. 

Sabay-sabay silang umupo sa harapan namin, nagkakatinginan lang sila tapos titingin samin. Ano bang sasabihin nila? Tapos tingin pa ng tingin samin, weird? 

"Ano bang sasabihin niyo Mom?" Pambasag ni Ken-ken sa katahimikan, nagkatinginan lang ulit sila. Tumango naman si Mom para sabihin na siya nalang ang magsasalita.

"Ahm, mga anak. Napag-isipan kasi namin na, ano. Ahmmm." 

Nagkatinginan naman kami ni Ken-ken, bakit ba parang takot na takot silang sabihin? Sasabihin ba nilang lalayo na ang isa samin? O kaya hindi na kami magkikita-kita? 

"Ako na, Yuri." Prisinta ni Dad, tumango naman si Mom at nginitian ako na para bang sinasabi na para sa ikabubuti namin ang sasabihin nila.

Kinakabahan na tuloy ako.

Huminga ng malalim si Dad bago magsalita.

"Napagkasunduan kasi namin na ipakasal kayo, pero hindi pa ngayon." 

Bigla akong nabingi sa sinabi ni Dad. Kami? Magpapakasal? Ni Ken-ken? Omg. Ang saya-saya ko! Pero, pano kung ayaw ni Ken-ken? Pano kung hindi niya ako mahal tapos kapag kinasal kami magkakahiwalay lang din kami kasi One sided love lang? 

"What?" Bigla naman akong kinabahan sa naging reaction ni Ken-ken. Ayaw niya ba talaga? Hindi niya ba ako gusto?

"Ipapakasal namin kayo Anak, pero hindi pa ngayon. Kapag handa na kayo at saka bibigyan namin kayo ng panahon para kilalanin ang isa't-isa bilang babae at lalaki." Paliwanag ni Tito Dyo. 

Napatingin naman sakin si Ken-ken, wala akong makitang emosyon sa mukha at mga mata niya. 

"Pumapayag ba kayo?" Masiglang tanong ni Tita Ariza. Dahan-dahan lang akong tumango, ganon din si Ken-ken. 

Nagpaalam na sila umalis at kami nalang dalawa ang naiwan dito. Okay, awkward.

"Bakit ka pumayag?" Tanong ko, humarap naman siya sakin at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. 

Hindi kaya napipilitan lang siya kasi pumayag ako? 

"Kung napipilitan ka lang, pwede ka namang umatras. Pwede namang ipaliwanag ko nalang kina Mom at Dad tapos ---" Naputol naman ang sasabihin ko ng itapat niya ang daliri sa labi ko. 

"Shhh. Hindi ako napipilitan, okay? Baka nga ikaw pa ang napipilitan." Sasagot pa sana ako ng itapat nanaman niya ang daliri sa labi ko. "Gaya nga ng sabi ni Dad, kikilalanin natin yung isa't-isa. Magde-date tayo bukas, okay?" 

Dahan-dahan naman akong tumango na para bang nahipnotismo ako gamit yung mga mata niya. Ang ganda talaga ng mata ng lalaking 'to.

Ngumiti naman siya at niyakap ako.

"Akin ka lang Yan-yan." 

Narrator's POV

Ilang linggo narin ang nakalipas at balik na sa normal ang lahat. Nahuli na ang lahat ng kasamahan ng GoF at balik narin sa pag-aaral ang barkada.

May kaniya-kaniya na silang love-life, maliban nalang kina Sander at Lucy na nagpapanggap paring magkasintahan hanggang ngayon. Halata ng lahat na totoo ang nararamdaman ng dalawa sa isa't-isa, sila nalang ang hindi nakaka-alam. 

"Ang boring ng buhay nila." Iiling-iling na sabi ng isang babae habang may hawak na sigarilyo. 

"Pano kaya kung lagyan natin ng konting excitement." Nakangising sabi ng lalaki, napangisi rin ang babae at sabay na nilang nilisan ang lugar. 

"Hindi pa tayo tapos." 

Love Me Right [Love Hate? Book 2]Where stories live. Discover now