My Gangster Guy [Suho]

245 28 16
                                    

A/N: Hello po! Nainspired akong gawan si Suho ng story. Yung minamahal kong leader. <3 Har Har! Pero Girl's POV muna ito. :) Enjoy.

Lyne's POV

Sa mundong ginagalawan natin kung mahina ka pagsasamantalahan nila kahinaan mo. Kung inosente ka gagamitin ka. I learn from that, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magiging mahina. Ayoko ng may mapahamak ng dahil sa akin. I am now at the bar taking some drinks, beer for specific. Hindi ko pa rin matangggap na ng dahil sa akin napahamak at nawala siya.

He save my life at yun rin ang dahilan kung bakit siya nawala sa akin. I miss him so much. He's my ideal guy, but what happen. Ininom ko ng diretso ang natitirang beer sa baso, pagkaubos ko nun ay naramdaman ko na ang pagkahilo. Tatayo na sana ako pero bigla akong natumba but somebody catch me bago pa ako tuluyang mahulog sa sahig.

Napatingin ako sa kanya pero blur na lang nakikita ko. Hindi ko siya maaninag dahil nahihilo na rin ako.

"Miss..." hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Then there I passed out.
.
.
.
I woked up at pinakiramdaman ko ang paligid hindi ito ang kwarto ko. Bumangon ako pero napasapo ako sa noo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Parang mabibiyak sa sakit. Ano bang nangyari kagabe? Ang natatandaan ko lang nasa bar ako at umiinom. Paano ako nakarating dito?

"Gising ka na pala." Isang tinig ang narinig ko kaya napalingon ako sa direksiyon kung saan yung nagsalita. A guy, a handsome guy.

"Who are you? At bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya.

"I'm Suho, nandito ka kasi lasing ka kagabi. Ihahatid sana kita sa bahay niyo kasi hindi mo na kayang maglakad pero hindi ko naman alam ang bahay niyo kaya wala akong choice dito na kita dinala." Pagpapaliwanag niya. Tinitigan ko siya. Mukha naman wala siyang ginawang hindi maganda sa akin.

"Salamat pero sana hindi mo na lang ako tinulungan. Kahit patayin ako diyan okay lang e." Sabi ko naman at napayuko. Wala akong pake kung may masama mang mangyare sa akin kagabi.

"Look, hindi ko naman alam na gusto mo nang mapahamak e. And babae ka, kaya eto hindi kita iniwan mag-isa doon kahit hindi kita kilala. " seryosong sabi niya.

Sinapo ko ulit itong ulo ko. Masakit pa rin. Gaano ba kasi karami nainom ko kagabi at ganito na lang kasakit ulo ko. Teka anong oras na ba? Baka galit na si stepmadir. Yep, stepmother siya ang bumuhay sa akin noong nag-aaral pa ako hanggang sa natapos ako last year. Kaya ngayon kailangan kong suklian ang pagpapakain at pagpapaaral sa akin, kahit inalila niya ako at pinapamukha niya sa akin na palamunin niya ako.

Nang dumating noon sa buhay ko si Vernon ang saya ko. He made me forget all my problems. I was so thankful na dumating siya. Noong I feel so hopeless and sad dahil sa napapansin kong ginagawa sa akin ni Mama he never left me, he just stay and allow me to lean on his shoulder. I'm weak, hindi ako makalaban, hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko noon. Na kahit na sinasampal na ako diyan never pa silang nakarinig ng anumang salita mula sa akin.

Inalis ko ang kumot na nakabalot sa binti ko at tumayo na. Kahit may kirot pa ang ulo ko ay ininda ko. Mabubungangaan nanaman ako ni Mama e. Hindi naman kasi kami ganun kayaman e. I just have a decent job to get some income for my leisures. Sarili kong pera ang ginagamit ko.

"Mr. Thanks sa pagpapatuloy. By the way, my name is Lyne. Nice meeting you again. Alis na ako." Sabi ko sa kanya. Buti na lang at hindi ako nagkamali ng pinto. Pero parang pamilyar siya. Nagkakilala na ba kami dati? Nagkataon lang siguro.

Pagkauwi ko at pagkabukas ko palang ng pinto yan nanaman si Mama. Nabungangaan agad. Hay!

"Saan ka galing? Ikaw talagang bata wala ka talagang magawa kundi bigyan ako ng sakit ng ulo. Kung kailan ka pa tumanda mas naging sakit ka pa sa ulo." Ayan nanaman siya e. Ang ginagawa ko na lang ay pasok sa kanang tenga labas sa kaliwang tenga.

STORY WITH MY BIAS [ONE SHOT COLLECTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon