My Neighbor[Luhan]

90 24 20
                                    


Request ng isa sa mga bestfriend ko. Gawan ko daw siya ng story kasama si Luhan na mahal na mahal niya haha. Eto na kabsa.


[Kabsa means kapatid]



Andrea's POV



Nandito ako sa hallway ng school namin nakatingin sa isang bulletin board nang biglang may dalawang babaeng tumabi sa akin. Yung isa ay sa kaliwa, yung isa naman sa kanan. Napagtanto ko na lamang na isa sa mga classmate ko ang mga 'yun. Si Claire at Krisa. Ngumiti si Claire sa akin which is siya yung nasa kanan ko. Ano ang kailangan nila sa akin? Hindi naman kasi nila ako kinakausap kahit noon pa o nilalapitan pero ngayon nilapitan pa nila ako.



"Ahh, Andrea right?" Tanong ni Claire sa akin. Andrea daw e. Tumango na lang ako.



"Di ba kapitbahay mo si Luhan?" Tanong naman ni Krisa kaya napatingin rin ako sa kanya.



"Hmm, bakit?" Tanong ko sa kanila. Si Krisa naman tinignan si Claire at tinanguan niya ito. May nilabas na Chocolate na may ribbon at may nakalagay na note doon. Tinanggap ko naman iyon. Hindi naman kasi ako pwedeng tumanggi dahil baka mainis sila o magalit sa akin at hindi maganda kung mangyari 'yun.



"Pakibigay sa kanya 'yan. Tatanungin namin bukas kung nabigay mo. Sige Thanks, bye." Sabi ni Claire. Tumalikod siya at naglakad na sila ni Krisa palayo sa akin.



Tinignan ko yung isang box ng ferrero chocolate. Mamahalin pa talagang chocolate ang ibibigay niya. Napabuntong hininga naman ako. Paano ko ba 'to maiibigay sa kanya e nahihiya rin naman akong kausapin siya. Lihim ko kasi siyang crush kaya ganun. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.



Paano kung hindi ko na lang ibigay? Pero baka malaman naman ni Claire at ni Krisa at patay ako. Hindi kasi ako tumanggi e. Bakit kasi ako hindi makatanggi?



Uwian na sa amin nakasalubong ko naman si Claire at Krisa. Tinignan nila ako na para bang pinapaalala nila sa akin yung dapat kong ibigay kay Luhan. Naglakad lang ako papuntang gate ng school at nag-abang ng tricycle hindi naman nagtagal at nakakuha na ako.



Nakarating naman ako sa subdivision namin ng matiwasay. Hawak ko pa rin yung chocolate na pinapabigay. Madadaanan ko kasi yung bahay nila katabi nung bahay namin. Idadaan ko na lang.



Nang nasa tapat na ako ng gate nila ay nagdalawang isip ako kung magdo-doorbell ba ako. Pero sa huli nagdoorbell ako. Maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng gate at bumikis ang tibok ng puso nang makita kung sino yung nagbukas, Si Luhan. Nakatingin lang ako sa kanya ganun rin naman siya sa akin. Parang gulat rin siya.



"A-ahh, eto n-nga pala, pinapabigay n-ni Claire." Sabi ko sabay abot sa kanya nung box. Nang abutin niya yun ay mabilis akong tumalikod at naglakad.

STORY WITH MY BIAS [ONE SHOT COLLECTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon