Chapter 2

9 0 0
                                    

Habang nakahiga ako di ko mapigilang isipin ang mga pag uusap namen kanina, bakit nga ba takot akong mainlove? Takot ba ako? di ko din alam eh, pero sa pagkakatanda ko, ayoko lang ulit maramdaman yung naramdaman ko dati nung nagtapat ako kay gian. Yes si gian, ang fiancé ni sab.

(Flashback)

"Bakit mo ba ako pinapunta rito?" tanong ni gian habang humihingal pa sineryoso ata yung sinabi kong emergency

"may importante kasi akong sasabihin" gusto ko sanang magtapat na rito ng nararamdaman ko, yes! Inlove ako kay gian sa bestfriend ko at dahil mag18 na ko sa isang linggo gusto ko ng umamin para pag nalaman nya na baka maging kami na. kinikilig akong isipin.

"Gaano ba kaimportante yan? Pag yan di lang importante, malalagot ka sakin candice" nagbabantang sagot nya saken, di naman ako takot sanay na ako.

" kasi ano.. I just want to say na-" at tumingin muna ko sa maya nya bago ko sabihin na.

"I love you" and yun, yung kaninang mukha nyang confused ngayon napalitan na ng gulat.

"Hoy" pukaw ko rito.

"wait, totoo ba yan? candice ha! Ano na namang kalokohan to" ito na nagumpisa na syang mainis.

"Pero totoo nga! I've been inlove with you since we were young and narealize ko lang yun when i'm 15, so ano? Wala ka bang sasabihin?" tanong ko dito, naiinip na ko! Di nalang kasi nya sabihin na love nya rin ako.

"Candice" simula nya and he hold my hand. Omg! This is it.

"I'm sorry, masyado pa tayong bata, for you to feel that way, and if you truly are inlove with me, i'm so sorry you were like my little sister, and i can't love you more than that, i'm sorry, makakalimutan mo rin ako" mahabang litanya nya sabay yakap saken na umiiyak na, o think i just got my first heart ache. At dahil ayaw kong kaawaan nya ako kumawala ako sa yakap nya at tumakbo sakanya palayo.

(End of Flashback)

after nung incident na yun, di ko na sya ulit nilapitan or kinausap at first mahirap, sobra, dahil sobra din akong nasaktan lalo na nung magkaron sya ng girlfriend, kaya nung panahon na yun sinabing ko di ko na hahayaang mangyare saakin yun, i will never fall inlove again unless sya na talaga ang the one, ang destiny ko, ang soulmate ko.

and while i'm thinking about the past bigla nalang may parang nahulog saay bandang terrace ko, well i live nga pala in a condo. Alone. So ngayon yung takot ko bongga pano nalang pag pasukin ako ng magnanakaw? Oh no!

onti onti akong lumapit sa terrace hawak ang isang vase na pwede kong ipampukpok if ever nga na magnanakaw yun. habang palapit ako bigla nalang bumukas yung sliding door ng kwarto ko at nakita ko ang isang lalaki.

"Sino ka?-" kinakabahang tanong ko rito.

"Sino ka! Wag kang lalapit" sabi ko rito habang humihigpit ang hawak ko sa vase at tumitindi ang kaba ko.

at ng sobrang lapit nya na saken dahil matangkad ito at malaki ang katawan, wala akong laban kaya sumigaw nalang ako.

"Ahhhhhh heeeeel-" pero di ko naituloy ang pag hingi ko ng saklolo dahil hinawakan nya ang bibig ko.

"Shhh! Quiet" pagalit na sabi nito.

Huhu. Is this my ending? Mamamatay ba kong wala pang first kiss? Tulungan nyo ko!

Her sweetest tearWhere stories live. Discover now