Chapter 5

6 0 0
                                    

"Ikaw, yung ka-date ko?" nanlalaki ang matang tanong ko rito.

kilala nyo ba kung sino tong nasa harap ko? si mamang trespassing yung nanloob sa bahay ko! Yung nagsabi na wala akong boobs! Kung minamalas ka nga naman oh!

"this is crazy" sabi nya sabay iling! Abat ang kapal ng mukha, sakanya pa talaga galing yun?

"bakit ikaw? i mean, sa dinami rami naman ng pwedeng ipakilala saken? Bakit itong manyak pa na to!" sabi ko sakanya pero more on sa sarili ko.

"Who's manyak? Ako? Excuse me miss, kung mang mamanyak lang naman ako dun na sa karapat dapat" at tiningnan ako neto mula ulo hanggang paa, aba't sumosobra na talaga tong mokong na to ha.

"aba't excuse me rin no! kung magpapamanyak man ako di sa katulad mo! Panget!" Sabi ko rito, sabay walk out.

nakakairita talaga yung lalakeng yun! Ewan ko kung bakit! Pero naiinis talaga ako sakanya! hindi totoo ang sinasabi kong panget sya, ang totoo nga nyan nung una ko syang nakita parang nainlove na ko eh, pero joke lang yun syempre medyo oa, pero kung makikita mo sya at hindi mo sya kilala? Baka mainlove ka talaga, pano ba naman nasa sakanya na ang lahat, physically ha, yung mukha, yung katawan, yung height. parang lahat ng gusto mo sa isang lalake nasa sakanya na, sayang lang talaga sobrang sama ng ugali.

dahil maganda ang ayos ko ngayon napagdesisyunan ko na magpunta nalang sa bar malapit sa resto ni china, sayang naman outfit ko lubusin ko na, at para rin matanggal ang inis ko sa lalakeng yun.

pagpasok ko,dumiretso nalang ako sa bar at umorder ng isang beer para pang chill lang wala naman akong balak maglasing eh, gusto ko lang magpalipas ng oras, kahit sandali.

habang gumagabi mas dumarami ang tao, nakapagtataka nga dahil sunday ngayon pero andami ng tao, at mukhang magkakakilala pa, siguro may birthday or celebration. pagpatak ng 10 umalis na sya ng bat, naka4 syang beer at medyo tipsy na din sya kaya uuwe na sya.

pagpunta nya sa may parking lot ng bar na yun may naabutan syang nagtatalo, magsyota ata, di nya nalang sana papansinin pero napahinto sya nung magsalita yung lalake.

"Dammit! why lester? Of all people trish? Why do you fall inlove with my beatfriend?" pasigaw na tanong nung lalaje, wow interesting, teka parang familiar yung boses nung lalake.

"I'm so sorry matt, i don't know how it happened, narealize ko nalang na nafall out of love na ako sayo, and si lester na yung mahal ko, so i broke up with you, ayoko namang lokohin ka at ang sarili ko kung itutuloy ko pa yung relationship naten" mahinhin na paliwanag ng babae sa lalake.

"Why? May mali ba saken? am i not good enough for you? Give me a reason trisha! please give me a reason" wow parang kumakanta lang si kuya ng kanta ni pink ah, pero nakakaawa yung boses nya parang nasasaktan talaga sya ng sobra, swerte naman nung babae rito, mahal na mahal sya.

"I don't know, maybe i got bored, nagsawa na ako? I don't know, parang wala ng thrill eh, pag nag aaway tayo, pag may naggawa akong mali, hindi ka nagagalit, lagi mo kong iniintindi, gusto ko yung lalambingin kita, yung kahit mag away tayo ng matindi bukas okay na tayo, pinagseselos kita pero you keep on understanding me, maybe i should be thankful dahil masyado mo akong mahal at masyado kang nagtitiwala saken pero, iba yunv nafifeel ko habang lagi tayong ganun onti onting nawawala yung pagmamahal ko sayo, then lester came, hindi nya sinasadya pero i fell inlove with him, i'm so sorry matt, i hope you'll forgive me, and lester too" sabi ng babae at iniwan nya na yung lalake. Aww how sad.

Pupunta na sana ako ng kotse ko ng bigla nalang akong natapilok sa may bato sa dinaraanan ko, kung minamalas ka nga naman talaa oh.

"Sino yan? May tao ba dyan?" Tanong ng lalakeng iniwan ng babae! Lagot! Baka magalit at nage eavesdropping ako.

"Who are you?" Tanong nito ng makalapit saken, at dahil madilim nilapitan nya pa ako lalo at tinulungang makatayo.

"Sorry kung- ikaw na naman?" Sigaw ko rito, ano ba naman pinaglalaruan ba ako ng tadhana bakit itong lalakeng to na naman ang nakikita ko ngayon?

"yes, ako. At ikaw na naman din? Did you hear something?" Tanong neto saken yung boses neto wala ng sakit kundi inis na ang pumalit.

"Ah, eh. Wala. Wala kararating ko lang eh, tapos ano, uhmmm. Natapilok ako, oo ayun natapilok ako kaya nadapa ako" sabi ko rito at nginitian sabay lakad paalis. Pero di pa ako nakakalayo hinablot nya yung braso ko.

"I know you heard everything, and for a punishment sumama ka saken" sabi neto at mabilis akong hinila pasakay sa kotse nya.

Her sweetest tearWhere stories live. Discover now