Chapter 3

70.1K 1.8K 411
                                    

Chapter 3


Alexandra's POV


*knock knock*


"Bukas yan" Sigaw ko, knowing na si Nathan lang naman yung kumakatok.


"Galit ka?" Malungkot na tanong niya habang nakasandal sa may gilid ng pintuan. Bagong ligo na siya at nakapagpalit na ng damit.


I raised an eyebrow at him before I stood up. "We just got engaged and you're seriously asking me that question?"


Hinawakan niya yung mga kamay ko at tumango. "Everything was supposed to be perfect kaso pesteng weather yan, di nakisama"


Umulan kasi ng sobrang lakas bago kami lumabas ng bahay kaya yung niready niyang romantic lunch date sana namin ay nasira. Basang-basa yung table at syempre, maputik na rin yung lupa sa labas.

Ni-wrap ko yung arms ko around his neck and then I kissed the tip of his nose.


"I don't want it to be perfect. I only want you"

His face lightened up instantly. "Ang sweet naman ng strawberry bunch ko"

"Bumabawi lang" Pag-amin ko.


Nagpromise kasi ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para makalimutan niya yung kasalanang nagawa ko kaya naman papangitiin ko siya buong araw. Hindi ako mapipikon sa mga pangaasar niya at mage-enjoy lang kaming dalawa sa maikling vacation namin.

After all, yun rin naman talaga ang reason kung bakit kami pumunta dito sa Tagaytay.


"Gutom na ko, di pa ba tayo kakain ng lunch?" Tatawa-tawang tanong ko.

"Kaya nga kita sinundo dito di'ba? Alanga namang pumunta ako dito para lang makipagkwentuhan sayo? Isip isip din. Utak monggo talaga 'to"


Sira ulo talaga itong si Nathan.

Minsan parang nakakalimutan na niya yatang girlfriend niya ako eh.


Oh well, sa apat na taong pagsasama namin, wala namang nagbago sa kanya.

Baliw pa rin siya.


"Anong niluto mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa dining room na magkaholding hands.


"Fried Bittergourd and Boiled Intestines of Human Stool"

O_____O


"Ano?"

"Oh sige tagalugin ko. Mahina nga pala utak mo. Prinitong Ampalaya at Nilagang Bituka ng Tae"


Pumasok agad sa utak ko ang unwelcomed pictures ng mga sinabi ni Nate.

YUCK! KADIRI!!!


"Ewww Nathan! Ano ba yan!" Pinalo ko yung braso niya at tumawa lang naman siya.

"HAHAHA Wala naman akong nilutong espesyal. Mga laman luob lang ng mga kalahi mong aliens"

Stuck with my Forever (Stuck Series Book 4)Where stories live. Discover now