[CHAPTER EIGHT - 1] Words...

79.8K 859 25
                                    

Chapter Eight Part One

--Words left unspoken--

          “Ang gulo…”

          Isinuot ni Dwaine yung reading glasses niya at muling tinitigan yung sketch ko.

          “Tingnan mo ha… Sabi mo, you felt something. Like you want to see him again. Eh bakit hindi ka pa nagpakilala sa kanya?”

          Binawi ko ang sketch ko. Nakalagay doon ang 'scientific explanation' kung paano ko nakilala ang isang lalaking gumugulo sa buhay ko ngayon. “Eh kasi nga… may sakit ako ‘di ba?”

          “Oh? So? Dahil lang sa isang sakit na gagaling din naman pinutol mo ang kaligayahan mo?”

          I leaned backward on my chair. Nandito kami ngayon ni Dwaine sa restaurant ni Kuya. Pumunta siya dito dahil ibinalita ko na rin sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Katulad ng naging reaksyon ni Daddy, Mommy, Lolo, Kuya at Ate Flip, parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. At katulad din nila, sinabi rin niyang gagaling din ako kaya’t hindi ako dapat mag-alala. Bigla namang gumaan ang pakiramdam ko. Si Jane lang talaga yata ang OA na umiyak para sa ‘kin. Haaaay.

          Pero sa halip na ang sakit ko ang pag-usapan naming ay naikwento ko kay Dwaine ang tungkol kay maisen. At heto nga… parang nagtatalo na kami ngayon dahil sa magkaibang pagtingin naming sa kento ko.

          “Ang kulit mo naman Dwaine eh.”

          “Eh ang gulo mo kaya. Listen, baby. Kung mawala ‘yang sakit mo, ‘di ba nakakapanghinayang na hindi mo pinansin ang isang Mark Isen de la Fuente ng sikat at pinagkakaguluhang Kyela Marjorene? O, halimbawa naman na matuloy ‘yang sakit mo,” kumatok siya sa kahoy na upuan. “Hindi ba at mas tama ngang ipakilala mo sa kanya ang sarili mo? Sulitin ang mga araw! That’s just it.”

          “Eh pa’no kung magkagusto talaga ako sakanya? O kaya siya sa ‘kin? ‘Di ba sobrang mahihirapan lang kami kapag… alam mo na.”

          “Hay,bahala ka na nga Midori. Basta kung ako ang nasa posisyon mo, hindi ko sasabihing Betty ang pangalan ko. At lalong hindi ko sasabihing wala akong contact number gayong halos lahat yata ng network ay meron ka. Malamang ngayon, pinaghahahanap ka na nun.”

          “Pero sabi naman niya chickboy siya. Madami daw siyang girlfriend. Baka saktan lang niya ako. Baka sayangin lang niya ang pagmamahal ko.”

          “Walang nagmahal na hindi nasaktan. Halimbawa… Ako Nung minahal kita.

          Bigla kong nasipa ang binti ni Dwaine sa ilalim ng lamesa. “Kelangan pa bang ibalik yung nakaraan!?”

          “Aish… Ang sakit… Sorry naman! Hindi ka mabiro diyan.”

          “P-pero Dwaine… ‘DI ba may concert sa isang linggo ang Kyela Marjorene?”

          “Oh, akala ko ba ayaw mo sa kanya? Kasi ‘may sakit ka’ at ‘baka sayangin lang niya ang pagmamahal mo’?” aniya na ginaya pa ang pagsasalita ko.

          “Samahan mo naman ako! Nood tayo! Please!” Pakikiusap ko sa kanya. Nag-puppy eyes pa ako para mas mukha talaga akong nakakaawa. Siguro nga tinanggihan ko ang kapalaran nang tangkain nitong ibigay sa ‘kin si Maisen. Pero gusto ko siyang makita. Hindi ko alam kung bakit, pero yun ang gusto kong gawin. “Isang beses lang, Dwaine! Last na ‘to! Pagkatapos nito… ayoko na talaga siyang makita. Please!”

          “Aish… Itigil mo nga ‘yang mukha mong ‘yan. Wala nang bawian! Sabi mo ayaw mo na eh!”

          “Eh ‘di ba sabi mo, ‘sulitin ang bawat araw’,” sabi kong ginaya ko rin ang pagsasalita niya.

          “Kiss muna.”

          “Kiss mo patay na kuko ko.”

          “Kadiri talaga… Oo na. Libre mo ko ha!”

          “Of course! VIP tickets akin. Tama na sa’yo ang Gen Ad.”

          “Napakadaya!”

          “Oo na nga,” sabi kong natatawa na dahil sa itsura niya. “With backstage passes yung sa’yo.”

          Nanatili lang akong tumatawa. Napatigil lang ako nang ilapit ni Dwaine ang mukha niya sa 'kin at ngitian niya ako.

          “I still love you.”

          Nabitawan ko ang basong hawak ko.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now