2. SETTINGS.

475 19 1
                                    

Isa sa mga pinakamahalagang elemento ng MS natin ang setting o lugar kung saan nangyayari ang isang eksena. Madalas, dito lang sa Pilipinas ang setting na ginagamit namin/natin. Iyon kasi ang mas madali. Pero kung gusto mo, puwede ka rin namang gumawa ng eksena sa Spain, sa New York, o kung bet mo, sa Antartica. Basta kaya mo lang ipaliwanag ang mga detalye.

May mga setting rin naman na imbento lang. Sa isang MS, ikaw ang masusunod sa lugar at panahon. Ang magiging problema mo lang eh kung paano mo pakikilusin ang mga characters mo nang hindi nawawala sa panahon at pamumuhay nila.

Halimbawa: Gusto mong gawing makaluma ang story mo kaya pinili mo ang panahon ni Rizal. 'Yun! Kailangan mong ilahad kung anu-ano ang gawain ng mga kababaihan at kalalakihan sa mga panahong 'yun. 'Wag na 'wag kang maglalagay ng eksenang nagga-Gangnam Style si Crisostomo Ibarra at naggi-Gimme Gimme si Maria Clara dahil baka mabaril ka at hindi na abutin ng bukas. Haha. Joke.

TIPS FOR ASPIRING ROMANCE WRITERSUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum