Still On Stage 6: Reconstruction And Working Through

5.2K 153 8
                                    

PAGSAPIT ng gabi ay madilim at tahimik na sa buong camp site maliban sa dim na ilaw ng flashlights at bonfires. Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay magkatabi na lamang na umupo sa bukana ng isang tent sila Alyssa at Eric. Kuntento lang silang tumitig sa bonfire at nag-uusap. Paminsan-minsan ay namamagitan ang katahimikan pero ayos lang iyon para sa kaniya. After all, it's always a companionable silence.

"Alam mo, may matagal na akong gustong itanong sa iyo," maya-maya ay sabi ni Eric.

Curious na sinulyapan niya ang binata na nakatitig pa rin sa bonfire. "Ano iyon?"

Bumaling sa kaniya si Eric hanggang magtama na ang kanilang mga paningin. "Bakit ka pumayag nang isuhestiyon ni Prince na tutulungan ka niyang maka-move on at ihahanap ka pa ng ibang lalaki na puwede mong magustuhan?" seryosong tanong nito.

Napakurap si Alyssa dahil mula nang pormal silang magkakilala ay ngayon lang binanggit ni Eric ang pangalan ng dati niyang kasintahan. Natagalan tuloy bago siya nakasagot. "Ayokong mapadali para sa kaniya ang break-up namin," maya-maya ay tapat na amin niya. Umangat ang kilay ng binata pero hinintay naman siya magpatuloy sa pagsasalita. "Alam ko na hindi siya seryoso nang sabihin niya sa akin na tutulungan niya akong mag-move on. Alam ko ayaw lang niya na gumawa ako ng kahit na anong pwedeng makasira sa kaniya at sa career niya. Nakita ko sa mga mata niya na kapag tumanggi ako ay pinadali ko para sa kaniya ang lahat. At nang mga sandaling iyon ay galit ako at gusto ko siyang pahirapan at gulatin.

"Kaya pumayag ako sa alok niya. Sabihin na nating version ko iyon ng pagganti. Akala ko mahihirapan siyang humanap ng lalaking ipapakilala sa akin. Pero mali pala ako." Naniningkit ang mga mata na pinasadahan ni Alyssa ng tingin si Eric. "Hindi ko naisip na may matinong lalaking kilala si Prince."

Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ni Eric. "I think you just gave me a compliment."

Natigilan si Alyssa. Pero sa huli ay napangiti na rin siya at tumango. "Oo nga."

Ilang sandaling nagkangitian lamang sila bago may naisip siyang itanong. "Alam mo, napansin ko na parang alam na alam mo ang mga dapat sabihin at ang dapat mong iakto habang kasama ako. Parang alam mo kung ano ang pinagdadaanan ko at kung ano ang dapat kong gawin para maka-move on ako. Based on experience ba ang mga payo mo sa akin?" tanong ni Alyssa.

Mukhang nagulat si Eric sa tanong niya at muling napatingin sa bonfire. Sandaling tila pinag-isipan nito kung ano ang isasagot. "Pinagdaanan ko na rin kasi ang pinagdadaanan mo," sa wakas ay sagot ng binata maya-maya.

Umawang ang mga labi ni Alyssa at pumihit paharap sa binata. Niyakap niya ang kaniyang mga binti at itinukod ang baba sa kaniyang mga tuhod. "So naranasan mo na rin maging heartbroken," komento niya.

Sinulyapan siya ni Eric at bahagyang ngumiti. "Yeah."

"Anong nangyari?"

Umangat ang mga kilay ng binata at sandaling inakala ni Alyssa na hindi nito sasagutin ang tanong niya. Kaya medyo nagitla siya nang bigla ring pumihit paharap sa kaniya si Eric at nag-indian seat sa harap niya. Masyado silang malapit sa isa't isa na nagkadikit na ang kanilang mga binti pero wala sa kanila ang kumilos para lumayo. Hindi alam ni Alyssa kung ano ang rason ng binata pero siya ay komportable na magkalapit sila ng ganoon kaya hindi siya nagtangkang putulin ang physical contact nila.

"May girlfriend ako mula noong kolehiyo. Walong taon na ang relasyon namin nang makipaghiwalay siya sa akin. Actually, engaged to be married na kami nang matapos ang relasyon namin."

Namilog ang mga mata ni Alyssa. Mas matagal pa sa relasyon nila ni Prince! "Bakit siya nakipaghiwalay?" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng tinig niya at ang pagalpas ng galit. Sinong babae ang makikipaghiwalay kay Eric? He's... he's too good to be true. Good catch kumbaga.

Seven Stages Of Heartbreak [PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now