INTRODUCTION

112 6 2
                                    

PROLOGUE

Isang simpleng araw para sa karamihan. Pero sa isang batang babae na naka-upo sa isang upuan sa ilalim ng malaking puno ay ito ang araw na hindi nya makakalimutan. Umiiyak at nakatingin lang sa kanyang mga paa. Sa edad na sampu ay alam nyang hindi na babalik ang kanyang tatay. Namatay nang dahil sa kaaway nito sa negosyo. Nangako ang kanyang tatay na hindi sya iiwan pero iniwan parin sya nito.

Masaya ang mga tao sa paligid, sa isang parke kung saan sya naroroon. May naghahabulan, kumakain ng ice-cream at may nagpi-piknik. Napatingin sya sa isang pamilya na masayang kumakain sa damuhan. Alam nyang hindi na muling mabubuo ang pamilya na meron sya. Namatay na ang kanyang tatay na mahal na mahal sya. Patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang mga luha dahilan para mabasa ang kanyang mga binti.

Napatingin sya sa isang batang lalaki mula sa hindi kalayuan. Meron itong kamera at alam nyang sya ang kinukunan nito ng litrato. Ngumiti ang batang lalaki at lumapit sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?"

Nakangiti ang batang lalaki at umupo sa tabi nya.

Hindi nya ito sinagot at yumuko lang sya ulit.

''Sabi ni Mommy, kapag maraming luha ang lalabas sa mata mo, magiging bato ka raw" Saad nito.

Napa-isip ang batang babae at agad naniwala. Kinuha nya ang panyong nasa bulsa nya at pinahid sa luhaan nyang mukha.

"Bakit ka ba umiiyak?"

Tiningnan nya ang batang lalaki at alam nyang ka-edad nya lang ito. Nahihiya pa rin syang magsalita dahil hindi nya naman kilala ang kumakausap sa kanya.

"Pipi ka ba?''

"Hindi ako pipi." Sagot nya na medyo na-insulto.

"Bakit ka nga umiiyak?" Tanong ulit ng batang lalaki.

Yumuko ulit ang batang babae at tiningnan ang mga paa nya.

"Namatay kasi si Daddy, inilibing na sya kanina. Bago sya namatay binilhan nya pa nga ako ng sandals e..."

Nakatingin pa rin sya sa paa nya na suot ang sandals na binigay ng Daddy nya.

"...nag-promise sya sa akin na hindi nya kami iiwan ni Mommy pero hindi nya 'yon tinupad."

Parang gripo na umagos ulit ang mga luha sa mga mata nya.

Nakatanaw lang sa malayo ang batang lalaki habang pinapakinggan ang batang babae.

"Swerte mo nga sa Daddy mo e..." Sagot nito na naka-ngiti.

Napatingin sa kanya ang batang babae na takang-taka.

"...kasi bago pa man kunin ni Papa Jesus ang Daddy mo, pinapakita nya sa'yo na love ka nya talaga. Hindi tulad ko, nag-aaway sina Mommy at Daddy araw-araw dahil sa akin. Kasi hindi ako matalino at sakitin pa."

Nakaramdam ng awa ang batang babae na parang naging interesado sa buhay ng kausap nya.

"Parating sinisigawan ni Mommy si Daddy kasi hindi nya raw binibigay ang oras nya sa'kin para tulungan ako sa mga projects at assignments ko. At dahil palaging lasing si Daddy, nakita ko na sinuntok nya si Mommy. Sabi nya, dapat daw si Mommy ang tutulong sa'kin kasi sya 'yong nasa bahay..."

Nanatiling nakatingin lang ang batang babae sa katabi nya at nakikinig.

"...Noong araw na 'yon, umiiyak ako at nilapitan si Mommy. Sinisisi ko sarili ko kung bakit sila nag-aaway. Kasi bobo ako at may sakit."

Nagtataka ang batang babae kung bakit nakangiti pa rin ang batang lalaki kahit na hindi naman maganda ang sinasabi nya.

"Then why are you still smiling?" Tanong nya.

The Promise Of LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora