CHAPTER 3: BEHIND HIS SILENCE

35 1 0
                                    

CHAPTER 3: (BEHIND HIS SILENCE)

***ELA'S P.O.V***

Matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay lolo at lola. Grabe! Parang lutang na lutang ang utak ko at parang multo ako na naglalakad palabas ng bahay. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pagbabanta sa akin ng lalaking yon. Ewan ko ba, parang kinakabahan ako sa mga gagawin nya sa akin. Pumara na ako ng sasakyan at sumakay habang ang utak ko ay tila hindi gumagana dahil sa puyat. Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si pards kaya agad ko itong sinagot.

"Good morning pards. Bat napatawag ka?" Wala pa ring gana ang boses ko at halatang napansin agad ito ni Monique.

"Puyat ka ano?" Sagot nya sa akin mula sa kabilang linya.

"Oo pards. Ang ingay kasi ng pusa naming." Hindi ko alam kung bakit yon ang naisip kong palusot pero alam ko naman na hindi sya naniniwala. Kilalang-kilala ko kasi ang babaeng yon.

"Dalian mo dyan pards. May bago akong manliligaw at magpapalibre tayo sa kanya sa canteen para mawala yang antok mo." Halata sa boses ni Monique na masayang-masaya sya.

"Sige. Malapit na rin naman ako."

Pinatay ko na ang cellphone. Busog pa naman ako pero magpapalibre na lang ako sa manliligaw nya kahit kape lang para mawala ang antok ko. Nakarating na ako at agad kong hinanap sa canteen si Monique dahil paniguradong dito nya dadalhin ang bago nyang manliligaw. Nakita ko sya malapit sa dulo at kumaway-kaway pa sa akin habang todo ang ngiti nito. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Monique. Nakita ko na rin ang bago nyang manliligaw na nakangiti sa akin. Gwapo naman sya pero alam ko na libre lang ang habol ni Monique sa kanya.

"Eto pards kape. Para naman matauhan ka na." Sabi ni Monique at binigay sa akin ang kape.

"Bakit mo pala nililigawan ang bestfriend ko?" Tanong ko sa lalaki sabay inom ng kape. Ngumiti sa akin ang lalaki at tumingin kay Monique.

"Bukod kasi sa maganda ang kaibigan mo, alam ko na mabait sya at seryoso pagdating sa relasyon." Titig na titig sya kay Monique habang itong babae naman ay abala sa pag kain ng biscuit. Kung pageant lang tong sinalihan ng lalaking to, paniguradong panalo na sya. Kaso iba si Monique e, iba kami. Literal kaming dalawa at kailangang mabubusog muna kami bago pagtuunang pansin ang pag-ibig na yan. At isa pa, kung merong lalaking mahilig maglaro ng mga babae, meron din namang babae na mahilig maglaro ng mga lalaki at yon ay si Monique, yon kami.

"Ibig sabihin seryoso ka sa akin?" Huminto sa pag kain si Monique at tumingin sa lalaki.

"Oo naman. Seryosong-seryoso."

"Sige tingnan natin."

"Kailan ko ba pwedeng sabihin ang pangalan ko?" Tanong nya kay Monique.

"Kapag nagustuhan na kita." Maikling sagot nito. Napatingin ako sa orasan at malapit na mag-umpisa ang klase kaya hindi ko na inubos ang kape dahil parang nawala naman na ang antok ko.

"Pards tara na."

Bigla namang natauhan si Monique at tumingin din sa orasan. Dali-dali kaming tumayo at inayos ang sarili.

"Sige mauna na kami. Sa susunod ulit." Nagpa-alam na kami sa bagong manliligaw ng kaibigan ko at patakbo kaming pumunta sa klase naming. Malapit na mag-umpisa ang klase pero wala pa ang instructor namin kaya nakahinga kami ng maluwag. Pumasok na kami ay umupo sa harapan kung saan kami parating naka-upo. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang instructor at pina-kopya sa amin ang kung ano man ang sinusulat nya sa board. Nagbigay din sya ng isang math problem sa board at pumunta lang sa harap at isulat ang tamang sagot kung sino man ang nakaka-alam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Promise Of LoveWhere stories live. Discover now