45.

1K 29 0
                                    

Window Shopping Kind Of Love.

Minsan, ang love, parang pagwi-window shopping. Makikita mo yung gusto mong damit o sapatos. Titingnan mo ng malapitan. Bawat sides, inaalam mo. Bawat kulay o uri ng telang ginamit, inaalam mo. Tapos susukatin mo. Bagay na bagay sa'yo. Mapapangiti ka kasi naramdaman mo ulit yung saya na may isang bagay na gusto mo, bumagay sa'yo. Titigil ka sa salamin. Ngingiti pero bahagyang mawawala ang kurba sa mga labi mo dahil mare-realize mo, wala kang pambili. Nagwi-window shopping ka lang. Parang pangarap lang na magkaroon ka noon. Imposible kasi hindi mo naman afford yung presyo ng bagay na gusto mo. At ang mas masakit pa roon, paulit-ulit mong sinasanay ang sarili mo sa isang bagay na walang kasiguraduhan, sa isang bagay na hindi naman talaga mapapasa'yo. Wala lang. Kasi naniniwala ka na kahit sa isang sandali lang, napasaya ka ng ideya na may perfect clothes, perfect shoes, perfect love na para sa'yo. Kahit saglit lang sumaya ka. Tapos back to normal na ulit ang buhay mo. Uuwi ng bahay. Aasa na magkakaroon ka rin ng masayang pag-ibig. Hihiga sa kama at itutulog na lang ang lahat.

-Marcelo Santos III


A/NAlso follow me on:Tumblr: theunperfectlass

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N
Also follow me on:
Tumblr: theunperfectlass.tumblr.com
Twitter: @darlpenaflorida
IG: @darlenepenaflorida

Quotes & Pick Up LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon