This is the final chapter! Finally, matatapos ko na rin. Sa totoo lang, kahapon ko lang naisip kung ano talaga ang mangyayari sa dito sa ending. Thankful ako sa mga taong nagtyagang magbasa dito sa story ko, kahit super duper late ang mga update. Thank you so much! Okay, here you go!
Bree's POV
Matapang ka daw kung kaya mong ipaglaban ang taong mahal mo, pero mas matapang ka kung kaya mo s'yang pakawalan.
Pagkatapos nung araw na iyon, hindi ko na nakita pa si Nick. Hindi ko alam kung sobrang laki talaga ng campus namin o sadyang umiiwas na talaga siya sakin kaya hindi ko na siya nakikita.
Sabagay, siguro nga it's for the best. May fiance na siya for pete sake, I have to let him go. Dapat ko na siyang kalimutan! Tama. Bree, isipin mo nalang panaginip lahat ng nangyari sa inyo. Lahat ng magagandang ala-ala. PANAGINIP lang okay? Hay naku, kung panaginip nga iyon, ayaw ko ng magising pa. Those 2 months that we're together was one of the greatest moments in my life.
"Earth to Bree?!! Hello? Are you even listening?!"
Si Diane. Nagsorry ako sa kanila right after nung pag uusap namin ni Nick dun sa may pool area. Kanina pa kami magkasama dito sa canteen at kanina pa din siya dada ng dada pero wala akong maintindihan. Lutang pa rin ang utak ko. I mean, bakit ba hindi ako maka move on? HA? Bakit ba napakahirap limutin nung Nick na yun? URGHHH!! MOVE ON BREE!
Wala pa talaga ako sa mood. Ano bang nangyayari sakin? waahhh. T__________T
"For sure! Si Nick nanaman iniisip mo no?Hay naku teh! Move on ka na!"
At dahil ayoko siyang mag-alala sakin, syempre magpapanggap nalang ako na hindi na ako affected kay Nick. Ayokong idamay ang bestfriend ko sa mga problema ko.
"Hindi no! Wala na akong paki alam kay Nick!"
"Uyy si Nick!!"
Sabi ni Diane sa may likod ko, edi tumingin din ako sa likod ko.
"Nasan?!"
0__________________0
Wala siya dun sa likod ko. Tiyaka ko lang narealize na tinesting lang pala ako ni Diane.Lagot, nabuko na ako.
"Sus! Wala daw pakialam kay Nick ah.tsk. You are the worst liar Bree."
Hay naku! Naman kasi ehh! Bat ba ako lumingon?!! AISSHH!!.
"Wala naman talaga!"
"Eh bakit ka tumingin nung sinabi kong meron si Nick?"
"Kasi, ang english ng kamatis ay potato?"
What the eff? Ano bang pinagsasabi ko? Non sense. -_________- Bree, get it together!!
"Okay Bree, ano naman connect nun sa tanong ko? at isa pa ang english ng kamatis ay tomato hindi potato!"
"Ayy hehe. Ganun ba?Anyway, pahiram naman ako nung novel mong bago, yung book ni John Green!"
Tama yan Bree, iwala mo siya sa topic kanina. Mas magandang hindi nalang pag-usapan si you know. si ano.. hindi ko na babangitin ang pangalan niya! Hindi na talaga. Hindi ko na babangitin ang pangalan ni NICK! Ayy leche. Nasabi ko ulit.Ano ba!! Seriously, dapat nasana mental hospital na ako sa lagay na to eh.
"Sure! Oh eto.Hmm teka nga. Bakit mo ba iniiba yung topic? Si Nick ang pinag uusapan natin dito.Ikaw ah sumesegway ka teh. Akala mo makakatakas ka sa akin. Nu-uh. No way."
"WAHHH. Please, ayoko na muna siyang pag-usapan."
Sasagot pa sana si Diane ng biglang may babeng dumaan sa harap ng table namin.
BẠN ĐANG ĐỌC
The Hunk and the Nerd(Fin)
Teen FictionHanggang saan mo kayang mag pakamartyr para sa taong mahal mo?
