CHAPTER 6

2.3K 64 2
                                    

 CHAPTER 6

Nagising ulit ako na nasa kwarto ko,bakit kapag galing ako kina Rhei pag gising ko nasa kwarto na ako.

"Lola gising na sya"rinig kung sigaw ni Luz,alam ko kasi ang boses.

"Apo kamusta ang pakiramdam mo may masakit ba sayo?"tarantang sabi ni lola.

"Ang oa mo lola ha,napano ba kayo?"natatawang sagot ko.

"Iniwan lang kita saglit sa labas ng gate ng kapitbahay nyo pag balik ko nakahandusay kana naman sa daan."singit ni Luz.

Ano ba kasi ang nangyayari?tatlo beser na talaga to at nakakapagtaka na talaga.

"Mag ayos ka dadalhin kita sa albularyo."si lola.

"Hindi ako naengkanto lola kaya wag ka mag panik."natatawang sabi ko.

"Sumama ka samin kung hindi ang albularyo ang papupuntahin ko dito"bulyaw ni lola kaya padabog akong nag ayos.

Praning na si lola e papaalbularyo ba naman ako kahit wala naman akong sakit.

Nang akmang lalabas na ako ng bahay biglang umilaw ang kwentas na bigay ni Rhei sakin.

Bakit naman kaya umilaw?

Ano ibig sabihin ng pag ilaw?

Hindi ko nalang pinansin ang pag ilaw ng kwentas ko wala naman sigurong mangyayari eh.

Nakabusangot akung sumunod sa kanila,pag dating sa bahay ng nag aalbularyo mas lumakas ang pag ilaw ng kwentas ko.

Ano kayang nangyayari sa kwentas na to kanina pa ilaw ng ilaw eh.

Tinanong ng albularyo kung anong nangyari sakin,si lola lang ang sumasagot sa tanong nya ako naman nakatingin sa kwintas na walang tigil sa pag ilaw.

"Oy Luz tingnan mo ang kwentas ko dali ang ganda umiilaw."tinaayan nya naman ako ng kilay.

"Ano nanamang pinagsasabi mo eh wala kanang suot na kwentas,jusko kelangan mo na talagang maalbularyo."ako nanaman ang tumaas ang kilay sa sinabi nya.

Ang lakas umilaw ng kwentas ko tapos sasabihin nyang wala akung suot na kwentas?

Huh sya dapat e pa albularyo eh,bulag na sya.

Nilapitan ako ng albularyo tapos hinawakan nya ang ulo ko pag kapatong nya ng kamay sa ulo ko bigla nyang tinanggal na parang napapaso tapos yung kwentas ko umilaw ng kulay blue na.

WAAAAAH! BAKIT GUMANITO NA ANG KWENTAS?

 "Hindi ko kayang tanggalin kung ano man ang meron sa apo nyo dahil malakas ang kapangyarihan ng bumabalot sa kanya."sabi ni mang albularyo.

"Bakit na engkanto po ba ako?"naguguluhang tanong ko,pero hindi nya ako sinagot umiling uling sya.

"Dalhin nyo ako doon sa bahay na sinasabi nyong palagi syang natatagpuang nakahandusay."sumang ayon naman si lola.

Asar akong sumunod sa kanila,nakakainis na kasi ang inaasta nila,sila ata ang dapat magpaalbulargo.

Pag dating namin sa tapat ng bahay nila Rhei biglang namatay ang ilaw ng kwentas ko.

Ang galing naman ng kwentas alam nya kung saan sya galing hehe.

"May lalake kabang nakakausap sa bahay na to?"baling sakin ni kuya albularyo.

"Oo naman yes,actually boyfriend ko ang nakatira d'yan."ngiti ngiting sagot ko.

"Sya ang nag ko-control sayo iha,at hindi ko sya kyang paalisin dahil nasa loob sya ng katawan mo."napa 'huh' ako sa sinabi nya.

"Imposible naman po yun."sagot ko.

"Kapag pumasok ka ng bahay na to doon sya lumalabas sa katawan mo kaya wala kang malay."

 "Isusumbong kita kay Rhei inaakusahan nyo po sya."pananakot ko sa kanya.

"Rhei Peckerton?"panigurado nya sa pangalan ni Rhei.

"Oo nga,Rhei Peckerton."sabay irap ko sa kanya.

"Rheimund Peckerton ang buong pangalan nya."aniya.

"Weh?nang iimbinto kalang ata eh!tara na lola inaantok na ako."sabi ko saka tumalikod sa kanila.

Wala akong panahon makinig sa pinagsasabi ng albularyo na yun.

Ang ganda ng pangalan ni Rhei dinagdagan nya ng 'Mund nakakainis.

Humilata nalang ako sa kama ko at ilang segundo lang nakatulog ako,ramdam ko ang pagod kahit wala naman akong ginawa.

Iba narin ang pakiramdam ko dahil gusto ko na palaging natutulog at kumakain ng kahit anong matipuhan kung kainin.

Na miss ko na tuloy si Rhei dahil hindi ko sya nakita.

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now