CHAPTER 26

1.7K 51 0
                                    

 CHAPTER 26

KINABUKASAN bumalik agad ako sa dorm kasabay na ang tatlong bampirang babae,nagkwekwentuhan sila tungkol sa mga lalake nila.

May boyfriend na daw si Ysiad habang ang dalawa may manliligaw,OP ako sa usapan nila dahil wala naman ako.

"Nagkakamabutihan na kayo ni Gerard ah?pansin ko lang."sabi ni Nikita sa'kin.

"Ah,masaya kasi syang kasama,palagi kaming nag sasapakan."sagot ko.

"Wag mo lang ibigay ang tiwala mo sa kanya dahil hindi pa natin sya kilala talaga,bigla nalang syang sumulpot."saad naman ni Ysiad.

"Mabait naman si Gerard eh,nararamdaman ko naman na wala syang gagawing masama sa'kin"pagpapaliwanag ko.

"Hindi lang dapat tayo mag be-base sa mga inaasal nila,malay mo nagpapanggap lang,iba ang kutob ko sa lalakeng yan."ani Danvie.

"Kayo talaga ang dumi ng mga isip nyo,hindi naman siguro sya katulad ng iniisip nyo."pagtatanggol ko.

"Basta binalaan kana namin,observe mo ang bawat galaw at pakikitungo nga sayo,ang mga ahas ay magaling magpaamo pagdating sa dulo sila ang tutuklaw sayo."

Agad sya tumalon at ginamit ang kaliwa nyang paa tyaka ako sinipa sa tagiliran,nabitawan ko agad ang paa nya dahil natamaan ako.

Ako nanaman ang umatake sa kanya,sinisipa ko sya at panay ang iwas nya,sinasabayan nya ang bawat suntok ko.

"Shit!"daing nya ng matamaan ko ulit ang mukha nya.

"Ayoko na hahaha"saka ako kumaripas ng takbo,nakailang tama na kasi ako sa mukha nya.

Ganun ang batian namin palagi kapag nagkikita kami,pagkatapos ng labanan namin sabay kaming pupuntang field para magpahinga.

"Loser ka parin"natatawang saad ko at sinamaan nya ako ng tingin.

"Sa mukha mo kasi ako laging tinitira madaya ka!"saka nya ginulo ang buhok ko.

"Ano ba,yang buhok ko nanaman nakita mo eh."naiinis na sabi ko na ikinatawa nya.

"Nagdadalaga na si Kim ayaw ng magpagulo ng buhok."

"Gago!may anak na nga ako eh!"sabi ko sa kanya.

"Hindi ka mukhang may anak eh,sino pala ang ama ng anak mo?"tanong nya,natigil ako sa pag-ayos ng buhok ko sa tanong nya.

"Wala na sya eh,patay na"malungkot na sabi ko na ikinagulat nya.

 "Patay?bakit namatay?"tanong nya.

"Car accident"malungkot paring sagot ko,siguro napansin nya na nag iba na ang ihip ng hangin kaya iniba nya ang topic.

"Tara sa canteen kain tayo."yaya nya na sinangayunan ko.

Inakbaya nya naman ako habang naglalakad.
Hindi na kami naguusap ulit.

"THE FUCK!"sigaw ni Gerard ng masubsub sya sa lupa,may dumaan kasi,tapos tumakbo ng mabilis at dumaan mismo sa gitna namin,hindi namin napansin dahil nakatalikod kaming dalawa.

"Hey!"malakas na tawag ni Gerard sa lalakeng nakasuot nanaman na parang ninja,tumakbo lang ito palayo sa'min at hindi man lang magawang lumingon o humingi man lang ng paumanhin.

"Buset talaga yang stalker mo na yan,isa nalang talaga,akala nya hindi ko alam na sinasadya nya ang mga ginagawa nya sakin.Isang ulit pa,paiikutin ko ng pito ang ulo nya."galit na usal ni Gerard tyaka sinipa ang bato sa dinaraanan nya.

"Baka ikaw ang trip nya,kasi sayo nagpapapansin."natatawang sagot ko.

Masamang tingin ang ipinukol nya sa'kin,nagpipigil tuloy ako ng tawa.

 "Isang rinig ko pa ng tawa mo tatanggalin ko lahat ng baggang mo."sa sinabi nya bumunghalit na ako ng tawa dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pagtawa ko sa sinabi nya.

Lakas kasi ng impact sa'kin kaya napatawa ako,yung seryoso ang mukha nya sa pagbigkas ng ganoong salita pero yung mukha nya seryosong seryoso at talagang galit.

Agad nya akong sinipa si tuhod kaya inis ko din syang sinipa.

"Ang pikon mo ah."asar na sabi ko sa kanya tyaka malakas syang sinapak sa mukha na naharangan nya agad,inikot nya ang kamay ko kaya nag dive ako at sinabayan ng sipa,natamaan sya sa braso nya.

"Time out na."sabi ko sa kanya,sisipa ulit sana sya kaya sinamaan ko sya ng tingin na katulad ng palagi ginagawa nya sakin.

"Pffft mukha kang tanga"sabi nya sakin tyaka hinilamos ang palad nya sa mukha ko na tinapik ko agad.

"Ikaw naman pikon."pang aasar ko,natigil sya sa pagtawa.

Nagpatuloy nalang kami sa paglakad,hindi na kami pumuntang canteen,dumeretso na ako sa dorm ko para makapagpahinga dahil may klase mamaya.



My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now