Isang linggo na rin buhat nang maganap ang party. Isang buong linggo na rin namalagi sa mansyon si Trixie. Labis-labis ang pagkainis, pagkairita at pagka dismaya ng dalaga n'ong kunin niya ang sariling kotse sa basement ng kompaniya kung saan niya ito naiwan. Nasa ibang bansa ang binata nang araw na'yon kung kaya't ganon nalang ang pagkayamot niya. Umasa panaman siya na muli itong makita, nag-effort pa siyang magpaganda para ma-impress ang binata sa kanyang karisma.
But it was all useless dahil walang Joe na nagbigay compliment sa kanya. Walang Joe na lumuwa ang mata sa kanyang alindog.
Nababagot na rin siya kung bakit hanggang sa mga sandaling 'yon ay wala pang tumatawag sa kanya kung tanggap ba siyang secretarya ni Joe Mrazen o hindi! Naiinis siya dahil miss na miss na niya ang lalaki.
Hindi lang sampong bisis niya kung tinatanong nang paulit-ulit si Malija kung nakita ba ni Joe ang application niya o hindi.
"Marame daw na applicant ang pinagpipilian ng vice president kung kaya't wala pang isa man sa mga ito ang napipili." sabi sa kanya ng kaibigan.
Kailangan niyang matanggap sa Mrazen company. Kailangan niyang maktrabaho ang mahal niya bago paman ito maangkin ng iba.
Napasalampak siya sa kama habang ibinabalik sa memorya ang mga nangyari noong nakaraan linggo.
She's being such insane while recalling those moment with Joe. Nangingite pa siya habang nakatingin sa larawan ng binata kung saan ginupit niya mula sa magaxine. Napahawak siya sa kanyang ankle na naging daan para magdikit ang katawan nila ng lalaki na ngayon ay magaling na.
"My loves, kailan mo ba ako mapapansin? H'wag ka nang tumingin sa iba, nandito naman ako para sa'yo eh!" aniyang kinakausap pa ang larawan ni Joe na tila totoong nasa harapan niya. Hinalikan pa nito ang picture ng kay tamis.
Tunog ng cellphone ang pumukaw at nagpabalik sa kanyang realidad at kasalukuyan pagiisip. Padabog niya itong kinuha mula sa side table ng kanyang kama't inis niyang sinagot ang tawag mula sa kabilang linya. Umismid pa ito.
Naudlot tuloy ang pagday-day dreaming niya.
"Guess what!", anang nasa kabilang linya boses 'yon ni Malija.
"Oh well, as if I'm madame Auring to know it, sisy." matamlay at tila walang buhay niyang sagot.
"Don't you wanna know my news, then?" makahulogan turan ng nasa kabilang linya.
"If its great then I'm interested, if itsn't better to not tell me." nababagot na sagot ni Trixie.
"Well, I thought interesado kang malaman ang about sa appplicati---
Hindi na naituloy ni Malija ang sasabihin sapagkat tumili na ang kausap sa kabilang linya. Bahagyang nailayo ni Maja ang telepono sa kanyang tainga dahil sa biglang pagsigaw ng kaibigan.
"Whoa! I never thought, that this news can probably break my air drum!", wika ni Malija sa kanya.
"Why you didn't tell me? Tanggap na ba ako? Kailan ako magsisimula? Nakabalik na ba si Joe from state? Kailan ko siya puwedeng makita?" sunod-sunod na tanong ni Trixie sa kaibigan.
"Wait! Sa dame ng tanong mo hindi ko na alam kung alin ang una kong sasagutin and beside, hindi ka pa po tanggap sa trabaho. I just called you to inform you that you have to report tomorrow for the final interview. And if I were you, ayosin mo ang pagsagot kung gusto mong maging secretary ng man of your dream", wika sa kanya ni Malija.
"I'll be there. Pulido, sure na sure." Nagtatalon sa tuwang ani Trixie. Hindi na ito makapaghintay sa pagdating ng bukas, kung puwede nga lang niyang hilahin ang araw ay ginawa na niya para makita na ang lalaki.

YOU ARE READING
Crazy In Love
General FictionTHIS STORY IS NOT EDITED! IPINAPAALAM KO LANG SA LAHAT NA SA PHONE KO LANG ISINULAT ANG KUWENTONG ITO. Lahat ng KWENTO ko rito sa WATTY. NOKIA C3 ang cellphone ko way back 2013 at sa note lang ako nagsusulag noon. Maraming- maraming mga error at...