Update Thirteen

4.3K 271 70
                                    

Jolo's POV

"May nakita ako," sabi ni Lance na may pagtingin pa palikod (kung san kami nakaupo nina Dex at Harold) nang makapasok kami sa van.

"Ako rin, nakita ko ata 'yun," dagdag naman ni Harold matapos uminom.

"Anong nakita niyo?" tanong naman ni Dex na nag aayos ng earphones.

"Si ano," agad namang sabi ni Harold.

"Oo, si ano," singit ni Lance. "Yung si ano mo," may pagturo pa sa'king sabi niya.

"Yung ano ga?!" inis kong sabi kasi wala ako sa mood. Ang init init kasi, hindi pa malamig sa loob ng kotse.

"Si continent," agad din namang sagot ni Lance.

Napatigil lang ako ng sandali, "Weh?"

"Oo nga! Nakita ko rin," pag suporta pa ni Harold.

Tiningnan ko lang sila pero di naman sila natawa.

"Onga pre, mamatay na," seryosong sabi ni Lance.

"Weh? Weh? Nasaan? San niyo nakita?" tanong ko.

"Mag auaudition ata. Nakita ko dun sa ano eh."

"May kasama?" tanong ko.

Nagtinginan lang silang dalawa at nagkibit-balikat.

"Wala ata eh?" sagot sa akin ni Harold.

"Bakit wala ata akong nakita," nakangusong sabi ni Dex.

"Paano busy ka mag cellphone."

Magsasalita pa sana ako kaya lang nagvibrate 'yung phone ko. Pagtingin ko nagtext pala si attorney.

Inaayos kasi namin 'yung dispute namin (with the company). Medyo desidido na kasi kaming umalis sa MPE pero naglabas pala ng news article na nag sign daw ulit kami ng contract kahit hindi.

Tapos sinabi pa na sinign daw namin kasi nag iba ng konti 'yung laman ng kontrata. Ang malala pa nito, pwedeng ipalabas ng MPE na choosy (idk if that's the right term to use) kami kasi given those increase and benefits, we chose to leave.

Isa na rin 'yung factor kung bakit inis na inis ako.

We're leaving the company but the fans are hoping na h'wag daw.

Hindi tuloy namin alam ang gagawin.

-

Asia's POV

"Nagugutom na ko," bulong ko kay Miko na busy sa pagcecellphone.

Hindi naman siya sumagot kaya inulit ko.

"Uuuuy, nagugutom na kooo!"

"Paki ko?" sagot naman niya nang di man lang tumitingin sa akin.

Wow aa? Malapit na mag 7 nu! Gutom na ko! Ang tagal naman naming tawagin! Kumakalam na yung sikmura ko!

"Uy and Diaz?"

Nung tinawag kami talagang nabuhay ang katawang lupa ko. Pero nung pumasok na kami dun sa room na ang lakas mg aircon, bigla akong kinabahan.

At sa sobra kong kaba, nakalimutan ko pano ko ieentrada ung kanta.

Nakatingin lng sa'min yung mga 'hurado' na tinatawag. Nakatingin sila sa may screen ng TV na nasa may harap nila.

"Maganda 'yung register nung camera sa'yo, Miss Diaz," komento nung isa. "May kamukha ka eh."

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon