Update Three

9.2K 452 98
                                    

Asia's POV

"Asia, alis na ako ah?" rinig kong sabi ng pinsan ko.

At dahil lagi na kong dito makikitulog, papakilala ko na siya sa inyo. Siya si Giselle.

"Hindi ka sasabay? Malapit na mag 7, malalate ka."

Tumingin ako sa kanya kahit nasa pilik mata ko pa ang eyelash curler, "Umuna ka na. Matagal pa 'to."

"Ok! Lock mo ang bahay ah," sabi niya sabay sara ng pinto.

Tinuloy ko naman yung ginagawa ko. Ang pagpapaganda. Mehehehe.

Oi oi. Alam ko hayskul pa lang ako, pero this day is special. Valentine's Day kaya!!! Siyempre, if ever na may surprise pala sa'ken ni Jolo, edi pag kumalat sa Facebook yung video, eh sabihing maganda akiz. Hahahaha!!!

Okay okay. Alam ko na iniisip niyo. Alam kong iniisip niyong napaka-delulu (delusional) kong fangirl. Na hindi at imposibleng mangyare. Pero eme eme. Kehet de mengyere, nekekeleg pe ren esepen, de be?

Matapos kong lagyan ng tint lipbalm itong labi ko, binigyan ko ang sarili ko nang matagal na titig. May pag zoom pa ako sa salamin kasi baka may mga parte ng mukha ko ang hindi ko pa nalalagyan ng concealer.

Matapos kong i-check, nagsuklay ako at nagpabango. At lumabas na para pumasok.

Bale 7:08 am na sa orasan ko. At 7 yung pasok ko. Pero sabi nga ni Jessica Jung, "Never run even if you're late". Mwahaha.

Naglalakad ako nang payapa papunta sa sakayan nang biglang may magpatak ng something sa tuktok ng buhok ko.

Dahil ng instinct ko, napahawak agad ako sa tuktok ng ulo ko para tingnan kung ano ba 'yun.

Napa-irit ako sa isip ko nang may mahawakan akong malagket. Is this ipoooottt??? Sa agang 'to, may ipoooot?! Aba, napakabastosin naman ng ibon na 'yun para taehan ako? Ni hindi man lang nag diatabs.

Bumalik ako sa bahay ni Giselle at dumiretso sa C.R. para alisin yung ipot. Late na rin naman ako edi magpakalate na nang todo.

Pero paano kung may inihanda palang something si Jolo sa'kin? Huhuhu!

Pero on the second thought, kung meron, edi sana tumawag na si Precious sa'kin. Ifloflood pa ko sa inbox nun.

Lumabas na ulit ako ng bahay. This time, nakatingin ako madalas sa taas. Baka kase maipotan na naman ako.

"Ya--cht!!!" napapikit ako nang may maapakan akong malambot. Pagtingin ko sa baba, sariwang tae!!!

Ano bang problema ng mga hayop na 'to sa'ken!?

Sinubukan kong alisin yung taeng kulay peanut butter (ew) sa sapatos ko sa pamamagitan ng pagkuskos nito sa sahig. At nung medyo nawala-wala yung kapit nung tae, kinuha ko ang pabango at pinabungahan ko yung sapatos ko. Kulang na nga lang ay ubusin ko eh.

Matapos yon, naglakad na ako papunta sa sakayan.

Nakatayo lang ako mag-isa. Sabagay, puro 7 nga ang klase ng karamihan. Wala tuloy akong kaagaw sa sakayan; which is a good thing.

"Ang baho!"

Napatingin ako sa nasa kaliwa ko.

He has this expression na parang bahong baho siya. At the same time, inis na inis. Tapos base sa pagkakatayo't itsura niya, siya yung tipong pinagkakaguluhan sa school ng mga babae. Yung may bad boy & wolf-hair style.

Not my type tho.

"Amoy tae!" rinig ko pang sabi niya sabay tingin sa'kin. "Naghugas ka ba?"

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon