Ang babae sa Prom (final)

10 1 0
                                    


-----
Kinabahan ako habang nag loload ang kanyang profile sa facebook.

Pa'no kaya pag totoo nga ang sinabi nang nagbabantay sa shop?
Lumakas ang tibok ng puso ko na tila sasabog.

Mga matang tila bituwin sa langit.
Mukhang sing ganda ng bukang liwayway.
Mga labing tila bulaklak ....

Nanlungo ako. Nawalan ako ng lakas.
Naramdaman ko na lang na basa na pala ang aking mga pisngi.

Masama mag biro ang may likha.
Kahit panandalian lang iyon, naramdaman ko pano umibig at kung kailan handa na ako, saka naman babawiin.

Putangina.

Umuwi akong bigo, walang lakas, walang gana.
Di na ako kumain ng hapunan, nasayang lang ang adobong manok ni mama.
Dumiretso ako sa kwarto konat nag alay ng konting dasal, tutal yun na lang naman ang kaya kong gawin.

--------

"At dito po natatapos ang aking proyekto sa literatura, salamat po sa lahat ng nakinig"
Sabay ng maingay na palakpakan, napangiti ako.
Narinig ko pa ang sabi ng adviser ko na magaling daw ako gumawa ng kwento.
Gumanti ako ng ngiti.

Inipit ko ang isang tuyong dalya sa pagitan ng mga pahina at tiniklop ang libro.

"Di ko po inembento yon." Sabi ko sa aking sarili

Notes of Stories UntoldWhere stories live. Discover now