Chapter 11

228 13 2
                                    

Eira's POV

"Eira, anong gagawin mo kapag gugunaw ang mundo?" tanong ni Jimin. Magkasama kami ngayon sa ilalim ng puno, namamahinga. Katatapos lang kasi ng long quiz namin at vacant na. 

"Hindi ko alam." sagot ko. Medyo awkward kasi naman nung ball! 'di ko akalain na..... Basta! Nevermind! 

"Ako, ang gagawi-" 

"Hindi ko tinatanong." pambabara ko sakanya kaya tinignan niya ako ng masama. Che! wala na ngang mata eh, ganyan pa makatingin. Mukha tuloy siyang inaantok. HAHA! 

"Grabe, pagkatapos kitan-" pinutol ko na agad yung sasabihin niya at lagi nalang niyang ginagamit yon laban sa'kin. 

"Oh, ikaw anong gagawin mokapag gugunaw ang mundo?" tanong ko habang hawak yung bibig niyang matabil. Kainis! Pahamak 'tong bonsai na 'to! 

Randam kong, ngumiti siya kasi nga diba hawak ko bibig niya! Huwag tanga! ay Joke. 

Inalis niya yung kamay ko sa bibig niya at hinawakan ito. Pinanlakihan ko siya ng mata pero ginaya niya lang ako. HAHA! Shet, ang cute! Haha! Kaya 'di ko mapigilang tumawa. 

"Anong nakakatawa?" sabi niya sabay irap sakin. Umiling lang ako habang nagpipigil ng tawa. Panget niya kasi joke. 

"Okay back sa topic." sabi niya. 

"oh, ano na gagawin mo?"

"Wala." simple niyang sabi. Pinatanong niya sa'kin kung anong gagawin niya tapos wala lang pala ang isasagot nya. Kainis! 

"Wala nam-" putol niya sa sasabihin ko. "Sandali kasi." sabi niya.

"Oh ano na nga kasi? Pwede namang sabihin ng tuloy tuloy eh." sabi ko at inirapan siya. 

"Sungit mo." sabi niya tsaka tumawa ng mahina.

"Che! Ano na kasi, bakit wala kang gagawin kapag gugunaw ang mundo?" inis na tanong ko. 

"Bakit gusto mong malaman?" tanong habanag nakangiti ng mukhang ulol. 

"DUH?! Pinapatanong mo diba?" giit ko sakanya. 

"Haha! Cute mo!" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko. Tinignan ko lang siya ng masama. 

"Eto na. eto na." nag ahem muna siya bago siya magsalita. 

"Hindi ka naman siguro magugunaw diba." sabi niya tsaka ngumiti ng matamis. 

Nag-iwas ako ng tingin kasi gets ko yung sinabi niya at feeling ko pulang pula na yung mga pisngi ko. shet kasi tong bonsai na 'to eh! Hindi ako handa! Ay joke. 

"Hey, look at me." he said ang cupped my face. 

"Bakit?" tanong ko habang sinusubukang hindi ngumiti. Because he's too close. TOO CLOSE. 

"Nothing. You're just...." ngumiti nanaman siya ng matamis tsaka pinagpatuloy ang pagsasalita. 

"You're just beautiful." he said tsaka siya nakipag nose to nose sakin. 

"Aish!" sabi ko sabay alis ng kamay niya sa mukha ko. 

"Bakit?" inosente niyang tanong kahit alam naman niya ang dahilan. 

"wala." sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sakanya. 

"Ano nga?" 

"alam mo naman yung dahilan eh! Inaasar mo lang ako!" sabi ko. 

"hindi nga. Promise. I don't know the reason." Oh tapos nag english pa! UGH! 

"Ayoko." matigas kong sabi. 

"Ei, ano kasi." tanong niya ulit. 

"Aasarin mo ako eh kapag sinabi ko." 

"hindi promise." sabay taas niya ng kanang kamay. 

"ayoko pa din." sabi ko. 

"Ei ano kasi?" 

"Promise hindi mo ako aasarin kapag sinabi ko yung reason?" 

"Promise hindi." sabi niya, "Pero dipende kung ano ba yung reason." 

agad akong napasimangot sa sinabi nya. 

"joke lang. Ano na 'yon?" 

"Eh, kasi ikaw." nahihiyang sabi ko. 

"Bakit ako?" takang tanong niya. Huminga ako ng malalim tsaka sinabi ng diretso sakanya ang reason. 

"Kinikilig ako sa'yo." pagkasabi ko non agad nanaman akong namula.

But I think.... I think I'm falling for him. 

****



His Tears Where stories live. Discover now