Chapter 27

180 8 5
                                    


Eira.

Isang linggo. Isang linggo na ang nakalilipas magsimula no'n. Hanggang ngayon hindi pa din ako okay. Pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat lahat.

Nasa rooftop ako ngayon. Dito na ako madalas tumambay. Ayoko na sa field. Gusto kong kalimutan lahat lahat ng memories namin, pero hindi ko magawa. Kasi ayaw ko pang mag let go. Ayoko pa. Masyado pang masakit. Pero pakiramdam ko ako nalang yung nagmamahal saaming dalawa. Hah. Wala ng kami. Ayokong umasa pero, hindi ko maiwasan. Sabi niya mahal pa niya ako. If he really loves me, he'll fight for me no matter what.

Habang nag eemote ako tumunog yung phone ko.

Claire calling

"Oh Claire, bakit?" bungad ko sakaniya.

"Eira. I have something to tell you." Yung boses niya parang kinakabahan, bigla naman akong nabahala. Ano kaya naman 'yon?

"What? Sabihin mo na, ano ba 'yon?"

"Just please promise me. Wag ka masyado magugulat. Hehe. I know baka wala ka ng pakialam but I have to tell you this."

"Shit naman Claire. Pa suspense ka eh. Ano ba yon?"

"Naaksidente si Jimin. Car accident. And he needs you."

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. Jimin. Halos pabulong na sabi ni Claire yung huling mga salita.

Binaba na ni Claire yung telepono at agad agad akong nakatanggap ng text kung saang hospital nasaan si Jimin.

Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. She said he needs me. Pero ano naman ako para pumunta do'n? Wala ako sa lugar. Pero merong part sa'kin na gusto kong pumunta. Pero mas lamang yung part na ayokong pumunta kasi alam kong masasaktan lang ako.

Anong gagawin ko? Hindi ko na alam. Hirap na hirap na ako. Hindi ako makapag desisyon.

He needs you

Parang biglang nag echo yung sinabi saakin ni Claire. Jimin needs me.

Kailangan ko ba talagang pumunta?

Naglakad lakad muna ako para makapag-isip. Napabuntong hininga na lang ako. UGH my goodness ano bang gagawin ko sa sitwasyon ko?

Diba may girlfriend naman siya, bakit ako ang kailangan niya? Bakit ako?

Nag beep yung phone ko habang naglalakad ako.

"Eira, Hintayin kita sa may entrance ng hospital. I know nahihirapan kang mag decide. Pero hihintayin kita dito." Yan yung sabi niya sa text.

Hindi ko na talaga alam. Ang gagawin ko.

Nagbuntong hininga ako at naglakad na ulit. Pupunta na lang ako. Wala naman sigurong mawawala diba? Wala naman sigurong masama. Sana maging okay lang ang lahat. Sana. Sana talaga.

Sumakay ako ng taxi pag labas ko ng school. Tumingin ako sa labas. Madaming tao sa labas, na parang ang saya saya nila. May mga couples pa akog nakita, nakaka bitter. Hindi ko pa kasi tanggap. Mahal ko si Jimin. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong maransan ito. Kung eto yung buhay ko, siguro dapat tanggapin ko nalang para kahit papaano sumaya ako. Pero mahirap tanggapin.

Hirap kong iniitindi si Jimin kung bakit naging gano'n. Papalipasin ko nalang siguro to.

Dumating na ako sa hospital at nakita ko si Claire sa may entrance, nakatayo.

"Eira, I'm glad you're here." Sabi niya sa'kin at niyakap niya ako.

"Wala naman sigurong mawawala 'no, kapag nagpunta ako dito para dalawin siya." Nginitian ako ni Claire at hinatid na ako sa room ni Jimin.

Nasa may pinto kami at nagpaalam siyang bibili muna ng foods. And she said kailangan daw ng privacy.

Huminga ako ng malalim bago buksan yung pinto.

Naabutan ko si Jimin na gising, nakatingin siya sa kisame. Tila ba na parang nag iisip isip. Hindi pa siya tumitingin sakin, hindi pa niya siguro feel yung presence ko.

"Jimin." Mahina kong sabi pero narinig niya yon kasi lumingon siya sakin.

"Eira?" hirap niyang sabi. Medyo naiyak naman ako do'n.

Seeing Jimin, suffering? Ang hirap. Sobrang hirap niyang tignan. Na para bang sinasaksak yung puso ko ng ilang beses.

Tumango ako sakaniya. Ngumiti naman siya. Ngayon ko lang ulit nakita 'yang ngiting yan. After how many months. Ilang buwan din.

"Alam kong wala ako sa lugar para hingin sa'yo 'to. Pero Ei. Kailangan kita. Can you stay with me?" lumingon siya saakin. God, he's crying. Ang hirap makita siyang ganito. Sanay akong makita siyang masaya. He's a jolly person.

Umupo ako don sa gilid niya.

"Ei. Can I tell you something?" he sniffed. Hindi padin ako nagsasalita. Tumango lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"You know that I love you right?" ngumiti nanaman siya. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang irereact ko.

"Sana baling baling araw mapatwad mo ako sa kagaguhan kong ginawa." Huminto sya. "But Ei, let me go. Alam kong mahirap pero. Please let me go. Ayokong nahihirapan ka. Gusto ko makalimutan mo na ako. Sabihin nalang natin na hindi tayo nagkakilala. Na hindi ako nag exist sa buhay mo. Na, I'm just a man in your dreams. Please Ei, nagmamakaawa na ako. Kalimutan mo na 'ko." Hinawakan niya yung kamay ko.

"Hindi 'yon kadali Jimin." Finally, nahanap ko na boses ko. Yumuko ako dahil ayokong Makita niya na umiiyak ako.

"I know Ei. Sometimes you have to accept the fact that certain things will never go back to how they used to be."

"Ang gulo mo eh, sabi mo stay with me pero ano 'to? Jimin naman. Ang labo labo mo." Kinagat ko labi ko para mapigilan ang pahikbi.

"One week Ei, before you finally let me go. One week, be with me." Hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko.

Tingingnan ko siya. Ang sakit niyang tignan, may bandage siya sa ulo, meron din siyang bandage sa kaliwang paa niya at madami pa siyang ibang sugat.

Tinignan niya ako sa mata.

"I missed you." Bulong niya. Namiss ko din siya. Miss na miss ko siya.

Iniwas ko yung tingin ko, tinignan ko yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Nilalaro laro nya yon.

"Eira. Eira. Eira. Namiss kong tawagin pangalan mo." Suminghot siya. Tapos suminghot ulit.

"Sorry Ei, I can't protect you anymore." Nginitian ko nalang siya, sad smile. oo meron no'n. try niyo minsan. Ngumiti din naman siya. yung tipong pilit, pero wala ng mata. 

Mukha siyang baliw. Mukha rin siyang gago. Nakatingin lang ako sakaniya tapos bigla siyang tumingin sakin.

Sana ganto nalang lagi. Masaya siya, medyo masaya ako. Sana kasi wala nalang nangyaring kasawian. Sana masaya ako ngayon. Puro nalang sana. Sana na alam kong hinding hindi na mangyayari.

Kasi nga diba, you have to accept the fact that certain things will never go back to how they used to be.

Sana magawa ko siyang kalimutan tulad ng hinihiling niya. Sana, makaya ko. Sana.

**

Oh oh oh. HAHAHAHAA! Please enjoy. :D 

Sorry for the errors. Love lots! xx


His Tears Where stories live. Discover now