Chapter 5

1.2K 66 3
                                    


Glai

"Ano, tatayo kna naman?? tsong naman. patulugin mo ko kung ayaw mo matulog!!"

reklamo saken ni Batch habang patayo na naman ako sa kama.

Glai: "Ang aga pa Batchi!! Hindi ako maka tulog"

*Time Check* 9pm

Batchi: "Maaga natutulog mga tao dito ano kaba. tara na matulog na tayo. Bukas na natin pag usapan yung si Ms. Soulmate mo. Antok na ko eh"

Glai: "Bahala ka nga dyan. Di talaga ko maka tulog eh"

Di ako maka tulog dahil silip ako ng silip dun sa may bintana, at nagbabakasakali na makita uli si Rhian. Gaaahhhddd! ano ba to. naloloka na ako. Bakit ba kasi di man lang sya sumilip eh! kainis oh.

Di talaga ko dinadalaw ng antok, kaya I decided to roam around the house. This is such a wonderful house. Saktong sakto samen nila nanay. Pumunta ko sa balcony para maka langhap ng sariwang hangin. Nag dala akong upuan at nilabas ko ung gitara ko.
Tumugtog ako ng kung ano ano. Ayun ung way ko para matanggal lahat ng stress ko at para antukin na ko.

~~
Rhian

Hindi ko maalis sa isip ko si Glaiza. Actually simula pa nong nakita ko sya pag uwi ko dito sa Pilipinas. Hindi ko lang masyado nabigyan ng pansin kasi nga sa problema sa pamilya namin. Pero ngayon, wala na kong masyadong iniisip, naalala ko na naman yung first time ko sya makita sa parking lot ng airport.

Flashback...

Rhian: Mom, can I have the car key?? Pahinga lang ako sa sasakyan.
Mom: Here you go baby. Itim na van ah. Tutunog naman yan. Hanapin mo nalang.

si mom talaga ginawa akong bata hahaahaha racer kaya ako :D

then she handed me the car key. Naglalakad na ako papunta sa parking lot at nahanap ko agad yung van namin at natanaw ko na may babaeng naka upo dun sa malapit sa van. Di naman mukhang pulubi. Ang ganda kaya. Kahit simple lang ung suot nya, angat pa rin ung ganda nya.

Pagdating ko sa van, umupo ako at tumapat ako sa mukha nya. Tinitigan ko sya ng ilang minuto, na parang kinakabisado ko bawat parte ng napaka ganda nyang mukha.

I was mesmerized by her beauty. Feels like my heart's beating triple times. Ugh! This feeling. Sya na ba? or this is just an infatuation? Alam ko naman dati pa lang, hindi na ko nagkaka gusto sa lalaki. Ewan ko ba. Pero ngayon parang na confirmed ko na.
Tumayo ako saglit para naman hindi awkward pag nagising sya tas naka titig ako sakanya. Ayoko syang gisingin eh, para syang anghel na pinadala saken. I mean, pinadala sa lupa xD
After ilang minuto, nagising na sya pero di nya ko pinapansin. Nung patayo na sya, nakita na nya ko.

Wow! Just wow!
kaninang tulog sya, sobrang ganda na nya. Mas maganda pala sya pag gising. Kitang kita ko ung mata nya. Wow talaga. Ayun lang masasabi ko hahaha
Yung mga mata nya nangungusap, kahit hindi sya magsalita. Parang anime yung mata nya.

Parehas kaming tulala kaya binasag ko ang katahimikan. Nagkaron kami ng konting chitchat, na hiniling kong sana di na matapos. Ayoko matapos yung pag uusap namin. Pero nung time na umalis na sya, sobrang lalim ng pinag hugutan ko para lang malaman ung pangalan. Sobrang saya ko na nakilala ko sya, but at the same time, malungkot din. Kasi hindi man lang nya tinanong pangalan ko :( Halatang di sya interesado eh. Pero okay lang. Sana makita ko sya uli.

End of Flashback...

Andami kong iniisip ngayon. Si Glaiza, si Ryan, si Dad, si Mom, ung naiwan ko sa London, ung pangarap ko. Hay! ano ba to sobrang stressed na ko. At di pa ko maka tulog ngayon. Kaya bumaba ako at kumuha ng vodka. Dinala ko to sa kwarto at dun ako sa balcony uminom. Sobrang sariwa ng hangin at napaka ganda ng view.

The "Only" Girl in the BandWhere stories live. Discover now