1st Rejection

282 15 12
                                    

Nga pala sorry kung ang weird ng mga names ng characters ko, di kasi ako magaling magpangalan e haha.

_______

1st Rejection

Katatapos lang maligo ni Dean Eli kaya naman nagbihis sya agad at tumungo sa baba bago pa malamon ng tuluyan ang ref nila.

"HOY MGA PATAY GUTOM, YUNG REF NAMIN!! NANGANGAYAYAT NA!!"

"Oy tara, nood na!" yaya ni The Derp na parang walang narinig.

"AHHH!!! Bakit ko ba kasi to pinapasok agad, kung kelan maraming iniwan si Mama na pagkain para sakin tyaka naman dumating ang dalawang PG na to." laman ng isip ni Dean Eli.

Walang nagawa si Dean Eli kundi ang sumunod nalang sa gusto ni The Derp. Kahit sabihin na nating pogi sya, ayaw nya pa ring maitlogan ng isang babae. Masakit ata yun. Alam nyo bang  ang bagay na nasa gitna ng binti nyan e, ang pag asa ng bayan? Maraming bata ang magagawa nyan. Puhanan yan  mga dre.

Isinalang na ni JP ang cd at sinimulan manood ng drama.

Sinubukan naman ni Dean Eli panoorin ngunit di nya masikmura ang drama kaya umisip sya ng iba't ibang paraan para mapatigil ang dalawa sa panood.

"Teka kuha lang ako ng juice." Tumayo si Dean Eli at naglakad papunta malapit sa saksakan. 

Balak nyang hugutin yon para matigilan na si The Derp at JP sa pagtangkilik sa drama.

"Oy wala dyan yung juice, wag kang tanga. Andun sa mesa."

Di pinansin ni Dean Eli si The Derp at tuloy pa rin sa balak nya hanggang sa batuhin sya neto ng tsinelas sa likod.

"ARAY!!!! PARA SAN YON?!" humarap sya kay The derp at hinimas ang likod nya. Aba mamaya may footprint na pati balat nya sa lakas ng pagkakabato.

"ISA. DALAWA. PATINULOY MO YAN. SI JP ANG IBABATO KO SAYO KASAMA TONG TV NYO...TATLO."

Natigilan naman si Dean Eli sa gagawin. Alam nya kasing kaya ni The Derp ang sinasabi nya. Nagawa nga nitong batuhin sya ng makatuklap balat sa lakas e. Ibato pa kaya yung pokemon na JP nayun at isama mo na yung tv namin. Lagot ako kay mama pagnagkataon.

Umupo naman ulit sa dating kinauupuan si Dean Eli at pinapasyahan na tumuloy sa Plan B...

Kinuha ni Dean Eli ang cellphone nya at kunyareng idinial ang number ni Crissa, ang pinagmamalaki nyang crush nya daw dati tas ngayon kaibigan nya na ngunit di nya na masyadong nakikita. Sasadyain nyang lakasan ang boses nya para di marinig ni The Derp ang sinasabi ng mga cast ng pelikula na pwedeng maging dahilan para tumigil na ito sa panonood.

"UY CRISSA!!!!!!!!!!!!!!!!!! PUNTA KO DYAN SA INYO!!!!!!!!!!!! BONDING NAMAN TAYO!!!!!!!!!!!!!!"

Habang malakas na nagsasalita si Dean Eli ay nakatingin sa kay The Derp. Inaabangan nya ang reaksyon neto...At di nga sya nagkamali.. Napapakuyom ng kamao si The Derp at halatang naiinis na. Gumagana na ang plano nya!!

"ANO CRISSA?!??!?!?!? MUSTA NA AKO?!?! AH ETO POGI PA RIN TULAD NG DATI HEHHEHHHEHHE!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"SAAN BA IKAW NAKATIRA CRISSA!!!!!!!!!!!???? AHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! DYAN LANG PALA E!!!!!!!!!!!!!! MALAPIT LANG PALA E!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!HAHHAHHHAHHAHHAHHHA!!!!!!!!!!!!!!!GEGE PUNTA KO MAYA----"

Napatigil ng saglit si Dean Eli sa pag acting ng lumapit si The Derp at nanggagalaiti sa asar. Nakatingin sa kanya ito ng masama at bago magsalita ay huminga ng malalim....

"PUNYATERA DEAN ELI!!!!!!!!! TAENA!!!!!! ANG INGAY NG BUNGANGA MO!!!! SARAP SAPATUSAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!  TYAKA ISA PA!!!!! WALA KANG MALOLOKO DITO!!!!!!! WAG KANG TANGA TO THE THIRD POWER!!!!!!!!NASA IBANG BANSA NA SI CRISSA NUNG ISANG BUWAN PA!!!!!!!!!! HINATID PA NGA NATEN SA AIRPORT E BAKA NAKAKALIMUTAN MO!!!!!!TYAKA ANONG 'MALAPIT LANG' KA DYAN!!!!!!!!!!! TANGA!!!!!!!!!!!!!! SIGE MAMANGKA KA PAPUNTANG US!!!!!!!!MALAPIT LANG DIBA!!!!!!!!!FEELING MO NASA KANTO LANG NG STREET NYO YUNG US?! TANGA!!!!"

Dean Eli, Ang Lakwatserong PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon