Chapter 25: Barkada

861 31 0
                                    

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED!.

-----------

Junnie's POV ))

Tsk! Bwisit talaga ',yung Kuya ko. Ni hindi man lang ako hinintay. 'Yan tuloy nag commute nalang ko papuntang school.

Ang sabi kasi saakin ni Yaya, maaga daw umalis ang loko. Baliw talaga ang Kuya ko. Saan kaya lupalop ng Pilipinas nagpunta 'yun?.

Asa may hallway nako ng makasalubong ko si Kuya.

Walang kung ano ano, at linapitan ko siya.

"Kuya!." Sigaw ko.

"Yow! Sis.!" Sambit niya ng sobrang ngiti. Addict talaga.

Ngayun kulang din napansin na magkasama sila ni Marie. At mukhang ang laki ng eyebags niya.

"Ahh.. Hello Marie. Laki ng Eyebags ah." Puna ko. Mamaya kuna aawayin si Kuya. Nakakahiya sa harapan ni Marie.

"Ah.. pinagpuyatan ku'yan kaya ganyan." Sagot niya. Pero bakit medyo naiilang siyang humarap saakin?.

"Anu kaba Junnie, hindi muba napansin, napuyat lang 'yan kakaisip saakin, kaya ganon." Taas noo'ng sambit ng mayabang kong kapatid.

Dahil dun bigla tuloy si'yang siniko ni Marie.

Teka? May bagay ba kong hindi alam?.

"Aray!. MARIE ah.. ang sweet mo talaga." Sambit ni Kuya, habang hawak hawak niya 'yung parteng siniko ni Marie.

"Nga pala Manang, simula ngayun girlfriend kuna si Marie, kaya maging mabait ka sakanya ok.." dagdag pa ni Kuya..

At.. anu daw #&$*%%*#*#*#*??!?! Sila na ni Marie ?
Kailan pa? Di ako inform!!

"Seryoso Kuya?." Pagtatama ko.

"Oo nga." Sambit niya ng hawakan niya ang kamay ni Marie.
Bigla tuloy namula si Marie.
"Cge Manang una na kami ng MyLoves ko ah.." paalam ni Kuya.

Hawak kamay parin silang umalis.

Grabii?? Medyo shocking, di ko expected 'yun.

PAG PASOK ko, wala sina Kuya at Marie sa room. Oo nga pala sila ang nirepresent ng school sa darating na essay competition, kahit hindi kapani paniwala 'eh bilib naman ako sa Kuya ko. Sabi na 'eh! may talino talaga 'yun. May pagka arte nga lang.

LUNCH na nang mangyaya si Annie na kumain. Kasabay din namin sina Gabby,Ellie at Ranz.

"Hey! Gurl! Asan ang loka lokang chinitang babaeng yun?." Tukoy niya kay Marie.

"May review kasama si Jimmuel." Sagot ni Ellie. Asa may canteen na kami.

"Ganern!!."

Manga ilang minuto lang makita namin si Marie at Kuya na naglalakad. I guess mag la lunch narin sila..

"Girl!." Tawag ni Ranz kay Marie.

Tumingin siya saamin at akmang lalapit ng bigla siyang hatakin ni Kuya at inakbayan.

Humakbang din sila papunta sa direksyon namin. Kasabay din pala nila sina Ernie at Owen.

Owen? Tama. Medyo naiilang parin ako. O.A na kung O.A di pa ako naka get over sa nangyari kahapon.

"Hi Classmates ..." bati saamin ni Kuya.

Nginitian naman siya nina Ranz,Ellie at Gabby. Samantalang ako wala man lang reaksyon. At he'tong si Annie inikutan lang ng tingin si Kuya.

Crush-MateツTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon