Chapter One

3.9K 161 31
                                    

Chapter One

Lifli Lucas' Point Of View

"Bilisan mo, bakla! Baka may makakita sa 'yo riyan! Bahala ka, ikaw rin ang mahuhuli," sabi sa akin ni Pao.

Nandito na ako sa tapat ng locker ni Ice, ilalagay ko na 'yung box of cupcake na ginawa ko. Ilang minuto na akong nakatayo pero hindi ko pa rin magawang ilagay 'yung kahon. Nanginginig kasi ang aking mga kamay. Naman, oh!

"Hoy, bakla! May mga paparating! Ilagay mo na kasi, 'wag ka nang magdasal d'yan!" sigaw sa akin ni Pao at parang automatic naman na kumilos ang aking mga kamay na buksan 'yung locker ni Ice at ilagay ang kahon sa loob no'n.

Pagkalagay na pagkalagay ko ay agad din akong umalis at hinila ko na si Pao sa kung saan. Nagtataka ba kayo kung bakit alam ko kung ano ang password ng locker ni Ice? Syempre, bilang stalker niya pati 'yon ay inalam ko. Haha! Joke lang! Actually aksidente lang naman 'yon. Nahuli kami ng uwi ni Pao noon tapos napag-trip-an naming dumaan sa locker section nina Ice. Noong dumaan kami ay tinanong ni John kung ano ang password ng locker ni Ice at dahil akala nila ay walang ibang tao ro'n ay sinabi niya nang malakas ang kanyang password kaya nalaman namin.

"Wew! Akala ko mahuhuli na tayo! Ikaw naman kasi, ba't ang tagal mo sa harapan ng locker ni Ice?" tanong sa akin ni Pao no'ng nakalayo na kami.

"Ehhh!! Nanginginig kasi 'yung mga kamay ko, hindi ko mai-type 'yung password!"

"Naku! Ewan ko sa 'yo! Kung hindi pa kita niloko na may paparating na tao, baka hanggang ngayon ay nandoon pa tayo."

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "What?! Ibig sabihin wala talagang taong paparating?!"

Umiling naman siya saka nag-peace sign sa akin. Tiningnan ko siya nang masama saka ako unti-unting lumapit sa kanya. Agad naman siyang umatras. "Hoy! Hoy! Teka lang, Lifli! Maganda naman 'yung naging resulta ng ginawa ko, ah? Kung hindi ko ginawa 'yon, baka hindi mo nailagay sa locker ni Ice 'yung cupcake."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Pao at may point naman talaga siya kaya hindi ko na itinuloy ang kung ano mang pinaplano kong gawin sa kanya.

Ito ang unang araw ng paglalagay ko ng cupcake sa locker ni Ice at hindi ko maipaliwanag kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung dapat ba akong kabahan o ma-excite o ano. Kinakabahan kasi ako dahil baka hindi kainin ni Ice 'yung mga cupcake at kinakabahan din ako sa magiging reaksyon niya kapag kinain na niya 'yon.

Pero sana naman magustuhan niya.

***

Ice Tsing's Point Of View

"Oh, Ice, bakit palinga-linga ka riyan? May hinahanap ka ba?" tanong ng kaibigan kong si John.

"May nag-iwan kasi ng box of cupcake sa locker ko at sinusubukan kong hanapin 'yung nag-iwan dahil baka hindi pa nakakalayo. May note pa nga, oh."

"Patingin nga." Kinuha niya 'yung kahon at note saka binasa. "Wow naman! May secret admirer ka na naman, pare! Iba talaga kapag gwapo. Hawaan mo nga ako!"

"Loko! Sa lahat ng sakit, kagwapuhan ang mahirap ihawa sa iba."

Nagtawanan na lang kaming dalawa saka ko ulit kinuha 'yung kahon at note sa kanya. Sino nga kaya ang nagbigay nito? At paano niya nailagay sa loob ng locker ko ang mga 'to? Stalker ko kaya siya?

Pagkaiwan namin ng mga gamit sa locker ay pumunta na kami sa canteen. Dala-dala ko pa rin 'yung cupcake at plano kong i-share sa mga kabarkada ko.

"Ano 'yang dala mo, Ice?" tanong ni Ryan.

"May secret admirer na naman si Ice! Binigyan siya ng cupcake," sagot ni John kahit hindi naman siya ang tinatanong.

"Teka, safe ba 'yan? Baka mamaya may gustong lumason sa 'yo kaya ka binigyan niyan," sabi naman ni Angelo.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Safe nga ba 'to? Uso pa naman ang food poisoning ngayon. Pero kung hindi ko naman susubukan, paano ko malalaman? Pero kung susubukan ko naman, baka may mangyaring masama sa akin. Aish! Kainis naman 'yung nagbigay nito! Hindi man lang nagsabi kung may lason ba o wala.

"Sus. May note nga na iniwan, e, sweet note mga 'tol! Ang cheesy! Kaya sigurado ako na secret admirer 'yan at hindi isa sa mga may galit kay Ice. Patikim nga ako," sabi ni John saka siya kumuha ng isang cupcake.

Pinagmasdan muna namin siya, tiningnan namin kung bubula ba ang bibig niya o 'di naman kaya'y titirik ang mga mata. Pero hindi ganoon ang nangyari dahil imbis na tumirik ang kanyang mga mata ay nagningning pa ang mga 'yon.

"Shet, pare! Ang sarap! Isa pa nga!" Kumuha na naman siya ng isa saka kinain. Halata namang sarap na sarap talaga siya. "Walang poison, mga pare. At promise! Ang sarap! Heaven!"

Sabay namang kumuha sina Ryan at Angelo at kagaya ng naging reaksyon ni John ay gano'n din ang naging reaksyon nilang dalawa. Tiningnan ko 'yung mga cupcake, it's a chocolate cupcake with strawberry icing and cherry on top. Kumuha ako ng isa at kinain 'yon. Shet! Bakit ganito kasarap ang cupcake na 'to?! Bakit parang isang professional pastrier ang gumawa nito?!

"Sabi sa inyo masarap, e! Pahingi pa ako, ah!" sabi ni John at kumuha rin sina Ryan at Angelo.

Kukuha na rin sana ako para kumain ulit nang may mapansin ako. 12 lahat ng cupcakes at may tatlong cupcakes na walang icing at cherry. Plain chocolate cupcake lang. Bakit naman kaya may tatlong naiiba? Nakalimutan kayang lagyan ng kung sino mang gumawa nito?

Binasa ko ulit 'yung note habang kumakain ng cupcake.

"I never could have accomplished what I did today without the love I feel for you."

Sino ka ba, Miss Cupcake?

Si Ice Tsing ng Cupcake ko (Completed)Where stories live. Discover now