17. Three Words

116 3 0
                                    

17

"Babe! Hey wake up I'm hungry." kanina ko pa ginigising ang mokong pero tulog mantika pa rin. Grabe kelan ba ako masasanay? Pero kasi gutom na talaga ko.

"Harvey! Uy!" kakagatin kita kapag hindi ka pa bumangon.

"Uh, yeah I like that. It's ok baby. Kagatin mo lang ako kahit kelan mo gusto." walangyang 'to gising na pala.

"Hoy lalaki! Napaka-manyak mo talaga! Hala bangon! Gutom na ko!" hinila-hila ko na yung sando nya. Napalunok na lang ako ng mahawakan ko yung muscle nya. Lintek ang yummy lang talaga ng boyfriend ko. Ugh! Pati ako nagiging manyak na dahil sa kanya!

"Babe, magpaluto ka na lang. Five minutes. Antok pa ko eh." nakapikit pa ring sabi nya at bigla na lang kinuha yung unan at tinakip sa ulo nya. Ay talaga naman! Ang kulit talaga ng lalaki na 'to.

"Five minutes mo mukha mo. Ayaw. Gusto ko yung luto mo. Yun ang gusto kong kainin." namimiss ko na din kasi yung luto nya. Oo masarap naman magluto ang cook nya. Kaso yung kay Harvey talaga na luto ang trip kong kainin ngayon.

"Sus. Naglalambing ang baby ko." tinanggal nya na ang unan sa ulo nya at bumangon. Ang gulo tuloy ng buhok nya. Pero ang hot nya lalo tignan sa gulo-gulo nyang buhok.

"Ang gwapo mo." bigla naman syang natawa.

"Yeah, I know babe. I know. Kaya ka nga nainlove sa akin." nag-pogi sign pa sya. Baliw.

"Pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Adik. Sabi mo ang gwapo ko di ba?" Hindi ko napigilang lumaki ang mata ko. Oh my God nakakahiya! Nasabi ko talaga ng malakas yung nasa isip ko?

"Yep. Nasabi mo nga." tatawa-tawang umiling na lang sya at ginulo ang buhok ko tapos ay bumangon na.

"Nagbabasa ka ng isip?" hindi ko alam na may super powers pala 'tong lalaki na 'to. Ang astig lang.

"Nope. You just said it loud for me to hear it. Tara na nga ang cute mo 'pag lumalaki yang mata mo." hinila nya na ako para lumabas ng kwarto. Nakakahiya talaga. "Ako na lang kainin mo gusto mo?" then he winked at me.

"Psh. Manyak talaga. Ewan ko sayo." pasalamat ka lang talaga mahal kita. Sobra.

Nasalubong pa namin ang mga katulong nya na naglilinis sa sala.

"Good morning Ma'am. Good morning Sir." bati nila samin at nginitian ko na lang ang mga ito. Na-miss ko tuloy ang yaya ko.

"Good morning po Sir, Ma'am! Ano pong gusto nyong lutuin ko?" nakangiting bati sa amin ni Manong Paul ng makasalubong namin sya sa tapat ng kitchen. Ngumiti na lang ako at siniko si Harvey.

"Ako na po muna ang magluluto. Naglalambing eh." napatawa naman si Mang Paul. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Siraulo talaga.

"Aray! Baby naman!" kinurot ko nga.

"Dapat lang yan sayo. Panget!" nakangiti pa rin sa amin yung matanda. Ngumiti na lang din ako.

"Sige po maiwan ko muna kayo." mabilis naman na iniwan nya na kami kaya pumasok na kami sa loob.

"So, anong gustong kainin ng mahal kong prinsesa?" binitawan nya na ang kamay ko ng makapasok na kami at dumiretso agad sya sa ref.

"Gusto ko pasta babe. Saka pizza yung maraming cheese ha." naiisip ko pa lang natatakam na ko.

"Pizza in the morning? Sure? You're a rice person babe. Seryoso ka?" nakakunot ang noo na tumingin sya sakin. Bakit ba? Gusto ko eh!

"Para maiba naman. Kasawa na ang kanin eh. Tumataba na ko sa kaka-rice ko oh! Tignan mo t-shirt mo na yung suot ko." I rolled my eyes at tinalikuran ko na lang sya habang iiling-iling sya na pinagtatawan ako. Bwisit!

"Sino nagsabing tumataba ka? Ang sexy sexy mo kaya. You had that curves to die for. You just gain weight lang siguro but you're still sexy. Lalo na kapag suot mo yung mga damit ko." inuto pa talaga ko. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin mula sa likod. Napasandal na lang ako sa dibdib nya.

"Ang sarap lang ng ganito tayo lagi babe. Masaya. Salamat ha." hinila ko pa lalo ang kamay nya para humigpit ang yakap nya sakin. Nagpapasalamat talaga ako na dumating sya sa buhay ko sa tamang pagkakataon.

"Baby, let's get married." and that three words makes my heart melt and I felt hot liquid forming on my eyes.

Kidnapping the Bride: Ransom or My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon