Part 5 Continuation

737 20 0
                                    

Pagkakita ko na parang wala na si Kian sa bahay ay naghintay muna ako ng ilang segundo bago ako pumara ng taxi.

"Sa address na po to manong."

Habang nasa byahe kami ay nararamdaman ko na namang naninikip ulit ang paghinga ko.

Tae.

Don't tell me bumabalik na naman sya?

"Miss ayos ka lang ba? Namumutla ka na kasi eh." tanong sakin nong driver.

"Ayos lang po a-ako manong... Pakibilisan na lang po."

Kahit nahihirapan na kong huminga ay pinipilit ko paring ngumiti sakanya.

sinunod naman nya ang sinabi ko at maya maya rin lang ay dumating na kami.

Pagkatapos kong magbayad ay nagsimula na kong mag doorbell sa bahay nya.

"Please Lyn... open the door...*sniff*" bulong ko dahil wala pa ring nagbubukas ng pinto at nararamdaman ko na ulit ang pagdidilim ng paligid ko.

"Sino yan? Wagas ka kung maka pag doorbell ah!!! Wala bang doorbell sa bahay nyo?! Tsk."

Ganun na lang ang pagpapasalamat ko ng bigla nalang bumukas ang pinto at tumambad sa harapan ko ang isang babaing sobrang sama ng tingin sakin pero agad din tong napalitan ng pagkakagulat ng makita nya kong nakahawak sa parte ng puso ko.

"ARLEAH?!!! WHAT THE HELL!!!! RAVEN!!!!" sigaw nya.

"Help me... Lyn..." Kasabay din non ang pagdidilim ng paligid ko.

---

Sherielyn 'Lyn' POV

A/N: Kung interesado kayong malaman kung sino sya ay basahin nyo po yong on going story ko sa wattpad na "Falling In Love To A Gangster King".

Pagkatapos kong mapalitan ng damit si Leah ay umupo ako sa tabi nya at tinitigan sya.

"Ang laki talaga ng pinagbago mo Leah simula ng magkakilala tayo..."

*FLASHBACK*

Naglalakad ako non papuntang garden ng bigla nalang akong makakita ng isang babae at lalaki na sa palagay ko ay magkasintahan.

Tsk.

Makakakita pa ko ng SPG neto.=_____=

Pero nagkamali ako...

"Mahal mo naman ako Kian hindi ba? Sabi mo sakin mahal mo ko eh!!!" Yong babae.

Ang shunga naman ng babaing to.

Ke ganda ganda nyang nilalang ay nagmamakaawa sya sa lalaking kaharap nya ngayon na sa palagay ko ay Kian ang pangalan.

"For pete's sake Arleah!!! Napilitan lang akong sabihin yon dahil pinagseselos ko si Yanie!!!" -Yong Kian daw.

"Your lying!!! Alam kong mahal mo ko Kian kaya wag mo ng itanggi!!!" umiiyak na sabi nung Arleah daw.

Ang drama.

Aalis na sana ako non ng mapansin kong nahihirapan ng huminga yong babae at nakahawak na sa dibdib nya pero parang hindi ito napapansin nong lalaki dahil ang sama sama na ng tingin nya doon sa babae na kulang na lang ay sapakin nya to.

"Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi kita mahal!!! Isang babae lang ang mamahalin ko at si Yannie yon!!! I really hate you alam mo ba yon? Lagi ka nalang nakabuntot sakin at kulang nalang ay ibigay mo pa sakin ang kaluluwa mo! Napakababang uri ka ng babae! your a slut Arleah a b*tch one!!!"

"Please Kian... Love me back... m-may sakit ako sa p-puso please.... nagmamakaawa ako Kian... d-don't leave me..."

Walangyang lalake yan!!!

Susugurin ko na sana yong lalaking yon dahil alam kong hindi nagsisinungaling yong babaing yon base na rin sa pamumjtla nya ng matigilan ako sa sinabi nong Kian.

"I don't believe you Arleah. Kahit pa sabihin mong mamamatay kana ay hindi ako naniniwala. Well, kung ganon lang ang mangyayari. Condolence na lang para sayo at sa puso mo."

*END OF FLASHBACK*

Childish BoyfriendWhere stories live. Discover now