BISITA
Lumalalim na ang gabi, kasabay ng pagpagaspas ng mga maliliit na ibon na hindi mapakali sa kalangitan. Gaya na lamang ng girlfriend ko. Gising sa gabi, tulog sa umaga. Para nga siyang si Annie Batumbakal. Pero hindi siya naglalampaso at hindi nagdidisco. Lalong hindi siya bongga kung manamit.
Si Babe ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng Diyos sa akin. Kaarawan ko no'n. Malakas ang ulan at signal no. 4 sa lugar namin. Iniba ni Itay ni ang petsa ng pagdiriwang ng kaarawan ko. Ayaw kasi nila na malungkot ako, lalo na at birthday ko pa.
Alas-onse ng gabi, may kumatok sa bahay. Antok na antok pa ako ng mga sandaling iyon.
"Anak, buksan mo ang pinto. Baka bisita mo iyon." Sabi ni Itay.
Sinunod ko si Itay. Bumangon ako para pagbuksan ng pinto iyong kumakatok. Napag-isip-isip ko habang ako ay naglalakad. "Paano ako magkakaroon ng bisita? E, wala naman kasiyahan." Sambit ko sa aking sarili.
Bumalik ako sa tulugan namin, at sa aking pagbalik, nakita ko si Itay at Inay.
#SobrangShortStories
BINABASA MO ANG
NABITIN AKO!
Short StoryMabibitin lang kayo! #SobrangShortStories All rights reserved 2015 @NoOtherMan