Babe Series 149th

391 6 0
                                    

#BabeCouple: 149th Parts


Huminto ako sa pagtakbo, "ANO 'YON?!" Sigaw ko sa pinsan ko.

Iniunat niya ang kanyang kamay, "Baka 'yon ang nakita ni Natalia." Nakita ko ang isang tricycle na hirap umandar dahil sa dami ng gamit na nakalagay doon.

"Seryoso ka?" tanong ko sa pinsan ko.

Tumango ito, kasabay ng paglapit ni Natalia.

"Bakit parang nasasabik ka?" tanong ko sa katulong namin.

Tumingin sa akin si Natalia, "Sir, makikita na po ninyo siya." Wika nito.

Kung si Grandma ang tinutukoy nito, imposible. Dahil sabi sa akin ni Grandma, next year pa ito uuwi. Kaya imposibleng si Grandma ang nakasakay sa tricycle. Pero, posible rin. Dahil sa dami ng gamit.

Nanghihina ako, akala ko si Peachy na ang nakita ni Natalia.

"Kinakabahan ba kayo, sir?" tanong ni Nat.

"Bakit ako kakabahan?" mabilis kong sagot sa kanya.

Natawa ang pinsan ko, "Denying man ka talaga pinsan. Kahit halata naman, ikinakaila mo pa rin." Sambit nito.

Napamura ako sa isip dahil doon.

"Peachy..." alam kong narinig ng pinsan ko at ni Natalia ang sinabi ko. Patay ako kapag nagkataong si Grandma nga ang nakasakay sa tricycle.

"Maligayang pagdating, Madam."

"Maligayang pagdating, Grandma."

Patay! Si Grandma nga.


#SobrangShortStories

NABITIN AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon