Chapter 1

8.4K 146 20
                                    






Chapter 01 - Lost Memories

Russel's POV

"Sigurado ka bang patay na sya?" Papasok palang ako sa opisina ni daddy para ibalita sana sakanya ang pagkakawala ni Kenneth, pero bigla akong natigil nung marinig ko 'yon mula sakanya, Teka.. May kausap sya?


Sa kyuryusidad ay 'di muna ako pumasok ng opisina nya, idinikit ko ang kaliwang tenga ko sa pintuan. Para marinig ang pinag-uusapan ng kasama nya.

"Yes sir.. Sigurado po akong patay na sya, sinunod ko po yung utos nya na sirain ang break ng kanyang sasakyan.. Nasaksihan ko din po ang pagkakaaksidente nya, sumalpok ang kanyang kotse sa isang malaking puno, sa katunayan kinuha ko din po ang mga I.D nya, lisensya nya, Identity Card, at lahat ng magpapatunay ng kanyang pagkatao para hindi nila malaman kung sino talaga sya." Napahawak ako sa bibig ko, dahil sa sobrang gulat. Bagamat hindi ko alam kung sino talaga ang pinag-uusapan nila, ngunit parang nahihinuha kung sino! Sht! Pinapatay ni daddy si Kenneth?



I was taken aback hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon at hindi ko na alam ang gagawin.


Kaya pala sya pinaghahanap si Kenneth ngayon? Dahil may kagagawan pala si dad sa kung ano mang nangyari sakanya?


Sa pagkakaalam ko kasi ay pumunta si Kenneth sa isang napakalayong lugar. For business purposes, pinapatingin kasi ng daddy nya yung lupa sa lugar na 'yon para sa pagpapatayo ng panibagong building sakanilang negosyo. Hindi na sya nakauwi dahil may ginawang di kanais-nais si dad. Crap! He's so evil bakit nya yon nagawa?


Mas lalo ko pang pinakinggan ang pag-uusap nila nung kasama nya.

Daddy chuckled. "Good, siguradong matatagpuan sya ng mga taga don, pero hindi nila sya maibabalik dito, dahil wala silang mapagkukunan ng identity nya, dun na sya panigurado malilibing!" Tumawa si daddy na tila ba isang demonyo. Hindi ko na maatim pa ang manatili dito kaya pinasok ko na sila.

Kumalabog ng malakas ang pintuan. Nalaglag ang kanilang mga panga nang bumungad ako sakanila.

Para silang nakakita ng multo ngayon. Ako naman ay nagngingitngit. Napayukom ako.

"Dad. Why did you do that?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Nanatili syang tulala at nangangapa ng isasagot.

"Narinig mo ang usapan namin?" Mejo na-alarma ang kanyang tono. Linapitan nya ko at hinawakan ang aking kamay.

"Wag mong ipagsasabi ito anak!" Wika nya sa tensyonadong tono. Napailing ako at naghahalong pagkadismaya, galit at pagkagulo ang bumukas na ekspresyon sa 'kin.

Sinenyasan nya yung lalaking kausap nya kanina na umalis na. Mabilis naman syang sinunod nito.

"Listen-" Pinutol ko kaagad ang kanyang sinabi.

"Bakit mo sya pinapatay!" Nagsilabasan yata ang mga ugat ko sa ulo nang sinabi ko 'yon.


This time parang naging kalmado pa sya na para bang wala lang sakanya. "Para mawalan na ng tagapagmana si Mr. Santillan." Walang kagatol-gatol nyang sabi. So yun ang dahilan nya! Para ano?

"What!" sigaw ko. Hindi makapaniwala. Pagkatapos ay napakusot ako sa mukha ko.


"Ngayong wala na si Kenneth. Siguradong tayo mag i-inherit sa kompanya.." Sabi nya. So yun pala ang dahilan! Dahil lang gusto nyang mapunta sakanya ang kompanya.


"What the hell dad! Hindi ko inakalang aabot sa ganyan ang kademonyohan mo at nagawa mong ipapatay ang anak ni Mr-" Hindi ko pa man naitatapos ang sinasabi ko ay bigla na lamang nya akong sinampal ng napakalakas. Sa sobrang lakas ay pakiramdam ko ay umuusok na ang kabilang pisngi ko.


Faded MemoriesWhere stories live. Discover now