Chapter 5

5K 102 18
                                    




Chapter 05 - Gunggong

Nagawa kong mahabol si Jacob. hingal na hingal ako nang makarating kami malapit sa tapat ng bahay namin.

Tumalon ako para magpapusan sakanya. Nang makakapit ako sa likod nya ay piningot ko sya sa tenga.


"Aray!" daing nya kahit natatawa parin. "Anong sabi mong mukha akong kambing huh!" sabi ko habang nakapasan parin sakanya.

Sa pilitan nya 'kong binaba kaya humalandusay ako sa may damo. Lalong umusok ang ilong ko.

"Biro lang naman 'yon!" natatawa parin nyang sambit.

Magsasalita pa lamang sana ako ng biglang may umalingawngaw na boses.

"TITA!!"

Agad akong napalingon kung sino 'yon. Nawala lahat ng pagkainis ko kay Jacob at napalitan ngayon yun ng saya ng makita ko ang aking beloved pamangkin na miss na miss ko na.

Patakbo sya sa 'kin, nang makalapit na sya ay kaagad nya 'kong kinulong ng yakap gamit ang kanyang mga napakaliit na kamay.

"Landon!" Masaya kong sabi, pagkatapos ay tumayo ako tsaka ko sya kinarga at hinalikan ng madaming beses sa pisngi. Pamangkin ko 'tong si Landon sa pinsan, anak sya ng pinsan kong si kuya John.

"I miss you tita!" Cute at maligayang sabi ni Landon, bigla namang tumikhim si Jacob. Napabaling ako sakanya na ngayon ay nginunguso ang karga-karga kong si Landon.

"S-sino sya?" Tanong ni Jacob.

"Pamangkin ko sya," nakangiti kong sambit. Bumaling si Landon sa kay Jacob na ngayon ay nakakunot ang noo. "Tita, sino sya?" Ani Landon.

Nangapa muna 'ko ng isasagot kasi maski ako hindi alam kung pano i-eexplain sa bata kung sino ba si Jacob. Hindi ko masabing kinupkop namin sya.

"Kaibigan ko sya!" saad ko, tumango-tango lang si Landon at matama silang nagkatitigang dalawa ni Jacob. Kinawayan sya ni Jacob ngunit si Landon ay sumimangot at kinagat nya ang kanyang labi sabay taas ng kanyang isang kamay habang nakayukom ito. Natawa ako sa naging reaksyon ng bata. Ang sungit nya kay Jacob.

Napawi ang ngiti ni Jacob sa labi at nagkamot. "Mukha yatang ayaw nya sa 'kin Jasmine," bulong nya na mejo patawa.

I chuckled. "Di ka kasi kilala," Tawa ko. Muli kong binalingan si Landon.

"Kasama mo papa mong pumunta dito?" Tanong ko sakanya, at tsaka ako luminga-linga sa paligid para hanapin si kuya John, kumunot ang noo ko ng hindi sya nahagilap ng mga mata ko, tanging nakita ko lang ay ang SUV nilang nakaparada.

"Oo tita," simpleng sagot ni Landon.

"Eh nasan sya ngayon?" untag ko, kyuryoso.

"Kasama nya si lolo Art tita, umalis sila," Paliwanag nya. Talaga nga naman oh? Talagang iniwan nilang mag-isa itong bata.

Siguro nasa farm ngayon sila at pinag-uusapan ang tungkol sa negosyo ni lolo, si kuya John kasi ang kaagapay talaga ni lolo sa business namin. Ako patulong-tulong lang.

Ilang sandali lang ay dumating nadin sina lolo at kuya John na ngayon ay abalang nag-uusap habang papalapit dito.

Nang magtagpo na ang mga mata namin ni kuya John ay agad ko syang tinawag.

"Kuya John!" Tawag ko, napabaling din si Jacob sakanya.

Nginitian ako ni kuya at nagmamadali silang lumapit ni lolo sa amin.

Faded MemoriesWhere stories live. Discover now