One Shot

13 1 0
                                    

"Dude, war na!" Sigaw ni Kenneth sakin habang nakatitig sa cp nya. Chineck ko agad yung coc ko sa computer. Ayan na, war na nga. *attack*

"yan panalo ako! 100% yan ah!" Sabi ko sakanya na tuwang tuwa.

Bzzzzzzzzt. Bzzzzzzzt.
*opening message*

from:Elizah
Clark, punta tayo ng mall. Plsss?

To:Elizah
Okey. Anong oras? Mga 1:00?

From:Elizah
Sure!

Si Elizah yung gf ko nga pala. Siya yung palaging nandyan sa tabi ko kahit anong mangyare. Tanggap nya kung sino ako, kung ano ako. Kahit na medyo maarte at makulit siya, mabait pa rin.

"Hoy Clark! Narinig mo ba sinabe ko?!" Sigaw nanaman ni Kenneth.

"Huh? Ano?" Sabay tanong ko.

"Wala. Sabi ko ang gwapo ko," sabat naman nya. Kaya nagpatuloy lang ako sa paglalaro.
11:30 palang. May 30 minutes pa ako para maglaro. Bagomaligo at mag-ayos.

*attack*
*upgrade*

"Hahahaha ang hina naman pala ng kalaban natin." Sabi ni Kenneth.

"Oo nga eh hahaha sure win na to." Sagoy ko naman.

*after 3 hour*

"Ano brad okey ka pa ba dyan?"

"Aaaam... okey naman bakit?"

"Wala lang. Di ka pa kasi naliligo eh. Baho mo na. Hahahahaha!

"Hoy baka ikaw yun!"

"Hahahahaha masyado ka atang seryoso. Chill!"

"K"

*laro ulit*

*after 1 1/2 hour*

"Clark uwi na ako sa bahay ah baka pagalitan na ako"

"Bakit, anong oras na ba?"

*tiningnan kung anong oras na*

"Hala! 4:00 na!"

*tiningnan yung cellphone*

16 messages and 7 missed calls

*opening message...*

From: Elizah

Clark... ginamit ko na yung bag na binigay mo sakin.

Sumipot ka ah.

Kung hindi ka sumipot magtatampo ako.

Clark. Dun tayo sa may DQ ah. Hahaha

Hello? Bakit di ka nagrereply?

Clark d2 na ako sa mall

Mag reply ka kung nand2 ka na ah.

Clark. Ang tagal mo na masyado.

Uuwi na ako ah. :( :( :'(

Clark. Nakakatakot d2 sa jeep.

Clark. Mukha silang magnanakaw pero sana hindi naman.

Clark. Natatakot na ako.

Nasaan ka na ba?

Clark. I love you.

Clark. Wag mong kakalimutan na mahal kita.

Clark.


Lalo akong nag-alala kaya pumunta ako sa bahay ni Elizah.
*knock knock.*

"Aaam... si Elizah po ba nandyan na?" Tanong ko sa kanyang annay na kinakabahan. Mukhang umiyak ata si tita ngayon.

"Clark. Si Elizah." Sabi ni tita sabay tulo ng kanyang mga luha.

"Ano pong nangyare sa kanya?"

"Clark. Na.... na.... nasaksak daw siya."

Umiyak ako ng sobra sa sinabe ni tita dahil alam kong ako ang maykasalanan sa nangyare.

Pumasok kami sa loob at nakita ko yung video sa cctv kung ano ang nangyare. Pagkababa nya ng jeep, sinundan siya ng mga lalaking di ko kilala.Kinukuha ang bag ni Elizah ngunit hindi sya pumayag. Nilabas ng isang lalaki ang isang kutsilyo ngunit hindi natakot si Elizah. Hindi parin niya binigay ang bag niya. Sa pangatlong pagkakataon, sinaksak na siya ng isang lalaki.

Sa pagkakataong iyon, napaiyak na lang ako dahil wala akong magawa kundi sisihin ang aking sarili sa nangyare.

"Tita.... pasensya na po. Alam kong wala nang magagawa ang 'sorry' ko dahil nangyare na." Lumuhod ako sa harap niya na umiiyak.

"Huh? Wala ka namang ginawang mali. Walang may gusto sa nangyare."

Binigay ko ang cellphone ko kay tita na nakaopen sa mga messages ni Elizah sa akin.

"Patawad po. Patawad." Sabi ko habang tumatayo

Umiyak si tita ulit sabay bigay sakin ng cellphone at sa pagkakataong ito, sinampal niya ako.

"Anong klaseng boyfriend ka ha?! Dapat ikaw ang poprotekta sa kanya pero anong ginawa mo? Ha?! Parang pintay mo na rin siya!!!" Sigaw ni tita sa akin sabay tulak sakin papalabas.

Umuwi ako ng luhaan at durog na durog ang puso. Wala na ang babaeng minahal ko. Wala na ang babaeng umiintindi sakin ng buong buo. Wala na siya dahil sakin. Ako ang dahilan kung bakit nangyare ito.

Kaya habang nandyan ang minamahal nyo, huwag nyo ito balewalain dahil mapagbiro ang tadhana. sa bawat sandaling masaya kayo sa piling nang isa't-isa, magpasalamat kayo dahil hindi nyo alam kung anong pwedeng mangyare mamaya, bukas, at sa susunod.

THE END










A/N: hello everyone! Sana maappreciate nyo ung una kong gawa. Hahaha 1st time! And wag kaung mahiya magcomment (positive man or negative yan) kung ano gusto nyo sabihin sa gawa ko. Tnx!

COC pa more (one shot)Where stories live. Discover now