Chapter 4-Freshman Inter-block

177 4 0
                                    

Nagsimula na ang regular classes at simula na din ng realidad sa buhay Peyups. Simula na ng santambak na assignments, reports, term papers, quizzes, at kung ano-ano pang pahirap sa mga estudyante. Maraming estudyante na dati-rati ay mga nasa top 10 nung high school ay natatagpuan ang sarili nilang halos hindi ipasa ang quizzes at long tests nila ngayong college. Naninibago kasi sila sa style ng pagtuturo. Meron din naman na halos puro perfect ang score sa mga quizzes at halos 100 ang score sa exams at sila ang mga isinusumpang mga estudyante sa isang klase. Meron din naman na nabubuhay sa pagiging eksperto sa pangongopya sa mga katabi nilang matatalino at yung iba ay eksperto sa paggawa ng kodigo. It's better to cheat than to repeat ang motto nila. Kanya kanya talagang paraan para pumasa. The bottomline is stressful talaga ang buhay dito.

Every year para maka-unwind ang mga bagong salta (freshmen) and for added socialization may inter-block sports competition at syempre mayroon ding labanan ng mga team muses. Kasama ang block nina Alyssa sa basketball competition at syempre players silang dalawa ni Kim. May anim na teams na kasali. Each team is composed of students from six different blocks.  Nagkataon na nagkasama sa isang team ang block nina Aly at Kim at ang block ni Ara kaya favored na mananalo ang team nila kasi kilala silang tatlo na magagaling na basketball players since high school.

Nang dumating ang opening night ng Inter-block syempre may presentation of teams and their muses. Tinawag sa harapan ang muse ng bawat teams at pinakamalakas ang cheer for Dennise. Kitang kita naman kasi na di hamak na mas maganda sya compared sa ibang muses na kalaban nya. Tinawag din sa harapan ang captains ng anim na men's teams at anim na women's teams. Pinakamalakas ang cheer for Alyssa ng tinawag siya dahil madami na syang fans sa campus dahil matagal na syang varsity player ng Rural High. Sinadya ni Aly na di sila magkalapit ng pwesto ni Dennise at baka ismiran na naman siya nito.

Nang matapos ang ceremony, bumalik na sina Dennise at Alyssa sa kanya-kanyang teams. 

Pinagtatawanan nina Kim at Ara si Aly.

Ara: Pambihira, Ly, para kayong may-LQ ni Dennise Lazaro ah. At talagang isang milya ang layo mo sa kanya. Sana tinabihan mo na lang sya at nginitian para nagkakilala na kayo.

Kim: Ano ka ba, Ara? Di mo ba nakita na nang tinawag ang pangalan ni Aly ay medyo sumimangot si Dennise? Grabe talaga ang galit nya sa iyo, Ly. Natatawang sabi nito.

Aly: Kasalanan mo kasi lahat ng ito, Kim. Kung ano-ano kasi ang binubulong mo sa akin nung orientation kaya nagalit sya sa akin.

Kim: Eh bakit ako ang sisisihin mo eh ikaw dyan ang kung makatawa wagas?

Aly: Hmmp. Umuwi na nga tayo. Walang kwenta itong usapan natin. Hindi sya importanteng tao sa buhay natin.

--------------------------------------------------

Proud na proud si Ella sa best friend nya kasi halatang ito ang pinakamaganda sa lahat ng mga muses at ang lakas ng palakpak kanina ng mga tao ng tinawag sya.

Ella: Wow naman, friend, sikat ka na. Mukhang magiging para akong alalay ng bagong crush ng bayan ah.

Dennise: Oh, c'mon, Ella will you stop saying that? You know naman ang gusto ko lang is to be in my own corner. I hate too much attention. Hindi ako katulad nung si Valdez na feeling celebrity talaga.

Ella: Sino? Yung cute na team captain nung isang girls' team? Yung taga-Rural daw dati? Kilala mo ba sya? Grabe ang dami nyang fans. Siya lang ang nakatalo sa dami ng cheerers mo.

Dennise: Cute? Really, Ella? You find her cute!  Yung bakulaw na yon?  Excuse me, hindi ako interesadong makilala yung mga ganung mayayabang na tao.

Ella: Naman, friend, so harsh naman.  

Dennise: Ay naku halika ka na. Let's go home. John offered to take us back to the dorm and to your boarding house. He brought his van. Napakalayo nitong Copeland Gym sa kabihasnan.

Ella: Yes! The perks of being best friends with the campus crush. Sumabay na silang dalawa sa blockmate nila na si John na halatang gustong pumorma kay Dennise.  Sa harapan sila umupo.  Sumabay na din palabas kung sino man ang magkakasya sa van kaya para silang sardinas sa loob.

Just friends or Lovers? (an Alyden story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon