Chapter 11- Tampuhan blues

239 5 0
                                    

The following Tuesday, nagkita for lunch sina Dennise, Ella, at Alyssa. Three days pa lang ang nakakaraan after ng eksena sa Ellen's. Napansin ni Ella na hindi masyadong nagsasalita sina Alyssa at Dennise. Siya lang ang kwento ng kwento.

Ella: May namatay ba kayong kamag-anak na di ko alam at pareho kayong mukhang nagluluksa? May mga nangyayari ba na di ko nalalaman? Share share naman dyan mga kapatid at ng hindi ako nagmumukhang tanga dito.

Aly: Sorry, Ells, ha. Madami lang akong iniisip ngayon. Ang dami kasing kailangan tapusin.

Dennise: Yeah, Ella. Kulang na kulang ang oras ni Aly ngayon kasi madami syang kailangang puntahan. Alam mo na hindi lang naman tayo ang friends nya.

Aly: Ano na naman yang pinagsasasabi mo Denden. Eh di ba may bago ka din naman FRIEND ngayon? Nagcelebrate pa nga kayo ng birthday nya last Sunday di ba?

Dennise: Eh kaya lang naman ako naki-celebrate ng birthday nya kasi ayaw kong magmukhang tanga sa dorm ng dalawang araw.

Aly: Eh di ba sabi ko naman sa 'yo pupuntahan kita ng Sunday.

Dennise: Ay ewan ko sa yo, Aly, dun ka na lang kay baby. Mukha namang super close kayong dalawa eh. Sa sobrang closeness nyo nga halos pumasok na sya sa T-shirt mo habang naglalakad kayo.

Aly: OA ka naman, Den.

Ella: Hey, hey, hey. Shush, you two. Iniwanan ko lang kayo ng dalawang araw may mga issues na agad kayo.

Dennise: Si Alyssa ang tanungin mo, Ells. Siya ang nang-iwan.

Aly: Hindi ako nang-iwan, Dennise Michelle. Nagpaalam ako sa iyo. Di ba, Ells? You were there ng magpaalam ako sa kanya. Siya ang tanungin mo bakit sya sumama sa kung sinong tao manood ng sine na silang dalawa lang?

Dennise: Bakit kilala ko naman yung kasama ko ah. Besides, what's wrong with that? May tiwala naman ako kay John.

Aly: Pwes ako wala.

Dennise: Eh di sana nagchaperone ka. Oh yes, hindi ka nga pala pwede kasi kasama mo si babe.

Ella: Alam nyo nahihilo ako sa inyong dalawa. Talo ko pa ang nanonood ng pingpong. Ano bang problema nyong dalawa?

Dennise: Wala akong problema. Yang si Aly ang may problema. Talo pa ang tatay ko kung magsalita. Nanood lang ako ng sine kung ano ano na ang sinasabi.

Aly: Eh di hindi na ako magsasalita. Bahala ka na sa buhay mo. Anyway, anytime naman may iba ka ng matatawagan na makakasama during the weekends. Ells, mauna na ako ha. May lakad pa nga pala kami ni Kim.

Ella: Wait, Aly.

Aly: Bye guys. Biglang tumayo at lumabas.

Naiwan sina Ella at Dennise na gulat na gulat sa biglang pag-alis ni Alyssa.

Ella: Yan, Den. Nagalit tuloy si Aly. Ikaw kasi eh.

Hindi umiimik si Dennise. Nakatungo lang ito. Maya-maya ay nagpaalam siya kay Ella na pupunta ng CR. Pagbalik ni Dennise halatang galing sa iyak ang mata nito at medyo namumula ang ilong. Hindi na lang muna nagsalita si Ella. Nang nakita nyang okay na si Dennise saka sya nagtanong.

Ella: Den, what happened last Saturday?

Ikinuwento ni Dennise yung pagkikita nila ni Aly sa Ellen's.

Just friends or Lovers? (an Alyden story)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt