My Scary Girl 03

15.9K 361 51
                                    

 03. Kwek- kwek

SAMARA POV

Papasok na ako sa Wellington ng makita ko si Aljun. Papalapit siya sa akin.

"Good morning, Samara..", he greeted me with a sweet smile.

"Good morning....", walang gana kong sagot.

"Anong ginawa mo nung weekend...?"

"Ako? Nag- ghost hunting...."

"Wah??? Talaga? Takot ako sa multo pero ikwento mo naman sa akin yung experience mo nung ghost hunting..."

Ngek! Interesado pa rin siya. Paano ba ito?

Hindi ko na lang siya sinagot. Habang naglalakad ay kitang kita ko ang takot sa ain ng mga students. Umiiwas pa nga yung iba na parang nakakita talaga sila ng buhay na multong naglalakad.

Nadanggil ko yung bag nung isang student na babae...

"Wah! Nahawakan niya yung bag ko!", sigaw nung girl.

"Dali, sunugin mo yan! Baka may ibinulong siyang orasyon sa bag mo!", sabi naman nung kasama niya.

Ang OA naman nila..Naisip ko na lang...

May biglang umakbay sa akin..Si Cara kasama niya si Mara.

"Good morning, Samara at Aljun!", bati ng dalawa sa amin.

"Hoy, Samara..Ayusin mo nga paglalakad mo.Nakakatakot ka. Parang pasan mo ang mundo ano!", puna sa akin ni Mara.

"Okey..."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"♫♪ May uwi si Nanay sa bahay...May uwi si Nanay sa bahay...May uwi si Nanay sa bahay... ♫♪"

Nakatayo ako sa unahan ng class. At dahil Music class namin ngayon pinakanta kami isa- isa. Ang kinanta ko ay yung kanta sa Feng Shui. Sabi kasi nung teacher namin kahit ano daw kantahin eh..

My Scary Girl (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon