Sa Mga Kuko ng Aswang (Escape of Eddie)

3.5K 87 0
                                    

Chapter 6


Alam na ng mga kapit bahay na sila Jesel at Jhade ang hinahabol ng Aswang. Noong nawala sila ng ilang buwan sa baryo ng Bararuba ay walang umaataking aswang pero noong nag balik uli sila sa baryo ay doon naman uli pumapatay ang Aswang.

Pumunta sila sa bundok para doon hanapin si Jesel. Inabot na sila ng gabi pero hindi pa rin nila matagpuan si Jesel. Nag pasya sila Simon na ipag pa bukas na ang pag hahanap kay Jesel.

Noong pag baba nila ng bundok ay sya namang pag ataki ng mga Aswang. Parang mga paniki lang na nag sisilundagan sa mga grupo ng mga kalalakihan para ito ay sakmalin sila sa leeg. Nag laban sila at ang iba ay nakatabo pababa ng bundok. Ang iba naman ay kinain ng mga Aswang.

Takot na takot silang ibalita sa mga kabaryo nila ang nangyari sa iba pa nilang mga kasama. Humingi sila ng tulong sa lungsod na dagdagan ang mga tauhan nila para masugpo na ang mga Aswang. Takot na takot naman ang mga pamilya nila at nag sisiiyakan naman ang iba dahil di na mabalik ang mga buhay ng kapamilya nila.

Mas lalo silang nagalit kina Jesel at Jhade na sila ang dahilan kung bakit gumaganti ang mga Aswang sa kanila. Kung hindi nila pinapakialaman ang pamilya nila Rhea noon ay hindi mag hihiganti ang angkan ng mga Aswang  ngayon.

Nawawalan na sila ng pag asang malampasan nila ang ganitong pangyayari. Malapit na din silang mag ubos na mag kakabaryo sa sunod sunod na pagkamatay ng mga kapit bahay nila.


Sa Mga Kuko Ng Aswang (Escape of Eddie)Where stories live. Discover now