Sa Mga Kuko Ng Aswang (Escape of Eddie)

3.5K 84 3
                                    

Chapter 7

Hindi nag patinag ang ilan sa kanila at pinag handaan nila ang muling pag ataki ng mga Aswang sa lugar nila.

Sumapit ang gabi at nakabantay sila sa malapit sa bundok. Ang ilan ay pinalibutan ang bundok. 

Sa hudyat ni Simon ay sumugod sila sa tuktok ng bundok. Pinag susunog nila ang mga nakikita nilang mga bahay na nagawa na naman ng mga Aswang.

Ilang sandali na lang ng umataki na naman ang mga Aswang sa kanila. Sa dami ng mga kasama ni Simon ngayon ay hindi sila natakot patayin ang mga Aswang na mahawakan nila. Nandoon din sila Gerry at Norma at hinanap pa rin nila si Jesel at nag babakasakali silang matagpuan nila syang buhay.

Nakarinig sila ng isang tinig mula sa kuweba kaya pumasok sila dito upang tignan kung si Jesel nga ang humihingi ng saklolo. Nakita nila si Jesel na duguan at nag aagaw buhay na sya. Dali dali nila syang nilapitan at niyakap ni Jhade ang kapatid.

Ginawa ni Eddie na patibong si Jesel para mapatay nya sila Norma, Gerry at Jhade. Hindi hinayaan ni Gerry masaktan sila Norma at Jhade kaya kinalaban nya si Eddie hanggang sa makalabas sila ng kuweba. Pinag tulungan nila Gerry at iba pa nilang mga kasama si Eddie hanggang sa mapatay nila ito. 

Kinalagan naman nila Jhade at Norma si Jesel at ilalabas na nila sya sa kuweba. Umiiyak silang dalawa habang nag ki-kwento si Jesel sa kanila. Ilang sandali na lang ng pumasok ang ibang kalalakihan at tinulungan nila sila Norma at Jhade buhatin palabas ng kuweba si Jesel.

Naisugod nila Jhade  si Jesel sa hospital at na pag tagumpayan nilang mapatay ang mga Aswang. Inuwi din nila Simon ang mga nasugatan at mga wala ng buhay na kasamahan nila.

Sa Mga Kuko Ng Aswang (Escape of Eddie)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora