Kabanata 02

1.7K 72 15
                                    

Amelia

"Kuya Lester, h'wag mo na ako sunduin mamaya. May pupuntahan pa kasi ako, magta-tricycle na lang ako." Habilin ko sa drayber. Napag-usapan kasi namin ng mga kaibigan ko na sa bahay na nina Daff kami gagawa ng project.

"Nako, Senyorita! Alam n'yo naman pong mapapagalitan ako ng papa n'yo." Iiling-iling na tugon ni Kuya Lester, na sinabayan pa n'ya ng pag kamot sa batok.

Napabuntong-hininga ako, "Fine, Kuya. Tawagan na lang kita kapag magpapasundo na ako, kina Daff lang naman ako." Ngumiti s'ya at nag thumbs up.

Close naman kami nitong drayber ko, kaya minsan napipilit ko s'ya na huwag akong sunduin kapag hindi ko gustong mag sasakyan. Kaya lang, napa-praning kasi si Papa. Simula no'ng na-aksidente kami ni Ate, nasobrahanan na ito sa pagka protective sa akin. Pati pagsakay ko ng tricycle na nakasanayan ko naman dati, ay pinagbabawal na nito ngayon.

Pinagbuksan ako ni Kuya ng pinto, palabas pa lang ako ng sasakyan ay narinig ko na ang boses ng mga lokaret kong kaibigan.

"Hopia mani popcorn!" Malakas na sigaw ni Chet habang iwinawagayway ang mga kamay sa ere. Baliw.

"Huy, lower down your voice. Nakakahiya sa ibang estudyante." Pagsaway naman sa kaniya ni Daffodil.

"Opo, Nay!" Sagot ni Chet, tumigil pa s'ya sa paglalakad at sumaludo kay Daff.

Natawa na lang ito habang iiling-iling dahil sa ginawa ni Chet.

Si Chet ang pinaka-maingay at pilya sa aming tatlo. While Daffodil, she's prim, proper, and soft-spoken. Pero kahit na total opposite ang mga ugali nila. Mayroon silang something in common, which is ang pagkakagusto nila sa kapwa babae.

Lingid sa kaalaman ng lahat, parehong miyembro ng LGBTQ ang mga kaibigan ko. Habang ako, straight, kasing tuwid ng rebonded na buhok.

"Hi, girls!" Nakangiting bati ko sa kanila.

"Himala, hindi kayo sabay ng bebot mong Ate," Chet noticed that my sister wasn't with me and even looked behind me para siguro i-check if nakasunod ba sa akin si Ate.

"Tulog pa 'yon," pagsisinungaling ko.

Pero ang totoo niyan ay ayoko lang makasabay si Ate Aurora. Maiinis lang kasi ako sa kamanyakan n'ya.

"Tulog pa? Eh, sino pala 'yon?" Si Chet sabay turo n'ya sa likuran ko gamit ang nguso.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang sa paglingon ko sa likuran ay saktong pumarada ang isang pamilyar na itim na kotse. Ilang segundo lang lumabas mula roon ang babaeng ilang buwan ng gumugulo sa isipan ko.

Speaking of the devil. Nandito na ang reyna ng kamanyakan.

"Queen Aurora is here!" Nagsitilan ang mga miyembro ng kulto n'ya—este, members pala ng fans club n'ya kuno.

Pagkalabas n'ya ng sasakyan, una kong napansin ang mukha n'ya. Her face was completely emotionless. I couldn't read her expression, nakakapanibago tuloy. She wore sunglasses that hid her eyes, making it even more difficult to gauge her mood. Pansin ko rin na she was dressed entirely in black - from head to toe. Her long legs were emphasized by her shimmering skirt, which seemed to catch the light and reflect it with a blinding intensity. Despite the brightness of the skirt, there was something dark and mysterious about her overall appearance that left me feeling unsettled.

Aurora's BodyWhere stories live. Discover now