Chapter 1 - "The OLD Habits"

55.4K 373 25
                                    

Please read....


Mmmmm, first of all, ngayon palang po magte-thank you na ko sa mga magbabasa ng story na ito :) Talagang ginagawa ko ang best ko para mapaganda ang plot. Nakuha ko ang idea na gumawa ng story na ganito dahil sa isang movie na napanood ko very very long time ago. Nakalimutan ko na yung title pero hindi ko makalimutan yung story dahil SOBRANG nagandahan talaga ako. Sana magustuhan niyo rin.

HAPPY READING! ^_^

***************************

Third Person's Pov

[a/n: chapter1 lang po ang 3rd person... tsaka yung pictures ng main characters, nasa side :))) ]

"ANJAN NA SIYAAAA! Kyaaaaaaa! Takbo Abby! Takbo! Bilisan mo!", sigaw ni Claire sa bestfriend niya habang mabilis na pumapasok sa loob ng hospital room niya.

"HAAA!!! Akin na yung pang-disguise bilisan mo!", tarantang sagot ni Abby.

Inabot ni Claire ang mga pangdisguise niya kaya naman sinuot niya ang mga ito ng mabilisan. Agad siyang lumabas ng kwarto at tumakbo papunta sa fire exit ng ospital. 

"Goodluck bading! HAHAHA! " sigaw ni Claire habang dali- daling humiga sa kama ng kaibigan at nagtalukbong ng kumot.

Maya-maya pa, pumasok na ang head nurse na kanina pa nila tinatakasan at pinagtataguan. Nakatalukbong parin si Claire ng kumot at tumalikod para hindi nito makita ang mukha niya.

"Ms. Alonzo?", tanong ng head nurse.

"Mmmmm?", kinakabahang sagot ni Claire na nagpapanggap bilang Abby.

Naramdaman niyang may ipinatong na kit ang head nurse sa tabi ng kama niya. Ilang sandali pa ay hinawi nito ng bahagya ang kumot at itinaas ang damit niya sa likod. Pinunasan nito ng bulak na may alcohol ang tagiliran niya.

( °д°)o

O_____O

"AAAAAHHHHHHHH!", napanganga siya na tila sumisigaw ng walang tunog.

INJECTION! INIKSYON! INJECTION!

'Abby my friend! Kung di lang kita mahal nakoooo!', naisip nalang niya nang saksakan siya ng injection ni Madam head nurse.

Back off.. Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now