DO : Two

5.6K 119 2
                                    


Wala lang akala ko kasi na hindi na tayo magkikita ulit!

Those words left me speechless. I mean hindi naman kami close nung lalaki na iyon plus the fact na sobrang pagtataray at pambabara ang ginagawa ko sa kanya nung highschool. Kumbaga wala kaming memories na pwede naming balikan kapag nagkita ulit kami.

Its been two days mula ng mangyari yung incident sa bank and after that eh hindi ko na ulit sya nakita. Nabatukan ko ang sarili ko dahil sa biglang pumasok sa isip ko. Bakit nga naman kami magkikita ulit eh wala naman syang dahilan?

Bumangon na ako ng maalala ko ang  meeting ko kay Mr. Thomasito Imperial Sr. – ang lolo nila Mela at Thomas na may ari ng bangko kung saan ako nagtatrabaho. Weekly kasi akong dumadaan sa kanya kasi personal kong inaabot ang report ng branch na hawak ko.

Pwede ko namang hindi gawin iyon at iutos na lang sa tao ko pero ako kasi ang special request ng matandang Imperial kaya naman wala akong choice. Unlike people think of him eh mabait sya. YUn nga lang dahil may sariling pangalan sa industriya eh kailangan nyang mapakita ang pagiging matinik nya sa business na dahilan nga para mailing ka sa kanya.

Naligo muna ako saka naghanda ng almusal. Since kaming dalawa lang ni Reese sa unit nya eh hati kami sa trabaho. Ako ang sa pang umagang pagkain habang sya sa panggabi. Doon lang naman kasi kami napipirmi sa bahay eh.

Nang matapos kumain si Reese eh tumapat na sya sa tv para manood ng morning news. Hilig nya iyan kaya hinahayaan ko na lang. AKo naman eh naiwan muna sa dining para linisin ang pinagkainan naming at saka para ubusin na rin ang kape ko.

Kasalukuyan kong tinutungga ang kape ko ng bigla na lang sumigaw si Reese.
Napatayo tuloy ako ng wala sa oras at saka mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Baka kasi kung ano na ang nangyari sa kanya eh ako pa ang mapagbintangan since ako nga ang kasama nya sa bahay.

"Anong meron at--" hindi ko na natapos ang gusto ko pang sabihin kasi naman bigla na naman syang sumigaw. Inilagay ko na lang sa bewang ko ang mga kamay ko saka sya tinignan.

"OMGggggggggg!" napapikit pa ako kasi naman sobrang lakas ng boses nya na parang wala naman daw syang kasama. Nang hindi pa din nya ako pinansin eh nilapitan ko na sya.

"Hoy!" sigaw ko ng nasa tabi na nya ako. Para naman syang nagising sa isang mahimbing na pagkakatulog. Kunot noo nya akong tinignan pero agad din nyang binalik sa tv ang mga mata.  Sinigawan ko ulit sya pero this time eh sinamaan na nya ako ng tingin pero hindi naman sa akin ubra iyon eh so mas lalo lang syang nainis sa akin. NGumisi pa ako.

"Urgh! Makasigaw ka naman jan Danessa." I rolled my eyes at her. Pikon kasi talaga sya at kapag naiinis sya sa aming dalawa ni Mela eh buong pangalan na naming ang binabanggit nya. "Kasi naman parang timang eh may pasigaw sigaw ka pa if I know eh yung crush mo lang na artista ang nakita mo." ismid ko saka tumalikod na para sana bumalik sa kusina ng magsalita ulit sya.

"Hindi na sana ako sisigaw kaya lang friend nakita ko si Tommy ko na topless at featured sa lahat ng headlines.." nangunot ang noo ko. Sino ba yung Tommy daw nya na nasa news? Kilala ko kaya iyon? Siguro naman oo kasi matagal na kaming magkakilala nitong si Reese at alam ko lahat ng nangyayari sa kanya.

"Hala ka Dane dont tell me hindi mo kilala yung sinasabi ko.." napakamot na lang ako sa batok ko ng sabihin nya iyon. Hindi ko nga kasi matandaan na may kilala akong Tommy eh. "Sus eh di ba nga kasama mo lang sya nung isang araw? Niligtas ka pa nga kamo nya sa mga humoldup sa bangko nila.. " sa sinabi nyang iyon lang ako parang natauhan.

Tommy..

Tommy..

Thomas..

Watch Me Fall (DOREMI Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon